Si Iňigo Pascual ay kilala sa industriya ng showbiz bilang isang singer at aktor sa ilalim ng pamunuan ng Kapamilya star. Maliban pa dito ay alam din ng publiko na siya ay anak ng isa sa mga sikat at hinahangaang aktor na si Piolo Pascual, na ngayon ay di-aktibo dahil ito ay nagbabakasyon malayo sa kinang ng kamera.
Lingid naman sa kaalaman ng lahat na sa edad na 23 ni Iňigo ay nakapagpundar na ito ng kanyang sariling farm, kung saan isa lamang ito sa mga limpak limpak na ‘achievements niya sa kanyang buhay.
sa kabila nga ng pagkakaroon ng krisis sa ating bansa, ay hindi naman ito naging hadlang sa aktor para hindi mabigyang katuparan ang kanyang pangarap na magkaroon nga ng kanyang sariling farm.
Nabili ni Iňigo ang kanyang sariling farm noong buwan ng Nobyembre taong 2020 at ito nga ay nasa bahagi ng Rizal. Ayon sa binatang aktor, para umano talaga sa kanyang lolo ang naturang farm na kanyang ipinundar.
Magmula nga ng mabili ni Iňigo ang kanyang farm ay hindi na ito nag-aksaya pa ng panahon at sinimulang ngang buuhin at i-improve ito. Ayon sa mga lumabas na ulat, bumili na ag binatang aktor ng mga alagang hayop para sa kanyang farm niya at ilan nga sa mga ito ay kabayo, baboy at baka.
Paunti-unti na rin niyang binubuo ang magiging bahay-pahingahan niya sa loob ng ari-arian niyang ito.
Ayon kay Iňigo nu’ng siya ay makapanayam noon sa programa ng Kapamilya network na “Magandang Buhay” noon pa man ay pangarap na niya ang magkaroon ng farm at mga alagang hayop, lalo na nga ang kabayo kaya naman talagang pinagsumikapan niya na mabigyan ng katuparan ang pangarap niya na ito.
“I’ve always wanted to have horses. I’ve always wanted to learn how to ride horses by myself and to even have my own farm”, ani Iňigo. Dagdag pa niya, “Parang sobrang pangarap ko talaga ‘yon bata pa lang ako. And also to have my lolo here with me and makita siya na sobrang excited to be here.”
Pahayag pa niya talaga napapa-ibig siya sa kalikasan, kung saan tila pakiramdam niya nakakalimutan niya ang stress kapag may nasisilayan siyang magandang tanawin, dun siya kumakalma at tila hindi niya naiisip ano man ang pinagdadaanan niyang problema. Sa nasabing set naman ay biglang dumating ang iniidolo ni Inigo na si KZ Tandingan, kung saan ito nga ay nagbigay ng mensahe para sa kaibigan.






0 Comments