Noong nakaraang Linggo, ika-8 ng Agosto ay umabot sa 14.5% ang final rating ng episode ng “Daig Kayo ng Lola Ko”, kaya naman talagang labis itong ikinatuwa ng buong team ng nasabing programa.
Ang episode na ito ay ang pinagbidahan nina Jennylyn Mercado at Paolo Contis na may titulong “Last People on Earth.”
Samantala, noon namang ika-15 ng Agosto ay inasahan din na mas tataas pa ang ratings ng nasabing programa dahil sa ang bagong episode nito na may titulong “Captain Barbie” ay pagbibidahan ng isa sa mga mahuhusay na aktres ngayon, at ito nga ay si Barbie Forteza.
Ayon sa ulat ng PEP, ikinatuwa ng Kapuso actress ng i-offer sa kanya ang naturang proyekto, dahil sa ilang taon ng karera niya ay ito ang magiging kauna-unahang pagkakataon na gaganap siya bilang isang superhero.
Ibinahagi naman ni Barbie kung ano ang masasabi niya sa karakter niya bilang superhero. At ayon nga sa kanya, sa eme-eme lang daw siya rito na isang superhero, tipikal na kikay na Barbie.
Kuwento ng aktres, siya rito ay nakasuot ng kapa na may kapangyarihan, kung saan siya nga ay bigla-biglang nagiging invisible. Nagiging shield niya rito ang hawak niyang scepter, at nagiging panglaban niya rin sa kalaban ang kanyang suot na hikaw.
Chika pa ni Barbie, talaga namang medyo nanibago siya, dahil sa mga proyekto niyang kadalasan ay drama ay mahahabang mga linya ang kanyang sinasaulo, dito naman sa superhero na gagampanan niya ay mga fight scenes ang kanyang kinakabisado.
Sinigurado naman ng aktres, na ikatutuwa ng maraming mga manonood lalo na ng mga kabataan ang fanatasy show na ito na kanyang pinagbidahan. Dagdag pa ni Barbie, sa panahon ngayon ay mahalaga ang makapagbigay saya sa mga manonood.
“Sa panahon ngayon, mas iisipin mo na yung makapagpasaya ka ng tao more than the ratings”, ani Barbie. Kasama ni Barbie sa naging proyekto niyang ito sina Jeric Gonzales at Anjo Damiles.
Ayon naman kay Barbie, na-enjoy niya ang pagiging isang superhero dahil alam niyang maraming mga batang manonood siyang mapapasaya.
Samantala, kung tatanungin naman umano si Barbie ng management ay mas nais niyang heavy drama na akma na sa kanyang edad ang magiging bago niyang proyekto. Mas nais nga umano ng aktres, na sa susunod na soap niya, ay mas magiging more mature na ang kanyang magiging karakter, at hindi na panay pa-kyut lang.
“Kung hingan nila ako ng opinion at bigyan nila ako ng say, siyempre sasabihin ko kung ano ang gusto ko. “Heavy drama sana na age appropriate. Hindi na pa-teeny booper. Hindi na love triangle, hindi na tungkol… basta, hindi na pambata sana na heavy drama.
“Mas mature, ganun. Pero not necessarily daring.”





0 Comments