Tunay naman na ang talento ni Heart Evangelista hindi lang sa pagiging isang artista kundi sa pagiging isa ring pintor ay tunay na kahanga-hanga. Lingid nga sa kaalaman ng marami, ay hindi lang basta isang successful na aktres at kilalang fasion icon si Heart, dahil matagumpay din siyang pintor.
Samantala, noon nga lamang ika-16 ng Agosto ay makikita ang naging pagbibida ni Heart sa kanyang social media account ng maikling video kung saan ay makikita na siya ay naka-piggy backride kay Brandon Boy ang frontman ng bandang Incubus.
Ayon kay Heart, talaga namang nakaramdam siya ng pagka-conscious sa kanyang bigat, ngunit inihayag naman ni Brandon na hindi naman umano mabigat ang aktres.
Maliban pa nga sa maikling video na ibinahagi ni Heart, ay nagbahagi rin siya ng ilang mga larawan nila na magkasama ng frontman ng Incubus band, kung saan ito nga ay kinunan sa ginawa nilang photo shoot.
“You’re crazy for pushing this shot – but thank you for being so polite”, ang naging caption ni Heart, matapos nga niyang ibahagi ang mga larawan na kuha sa behind the scene ng kanilang naging photo shoot.
Sa kabilang banda naman, ay makikita rin sa Instagram account ni Brandon ang pagbabahagi nito ng larawan nila ni Heart na may kalakip namang mensahe na nagsasaad kung gaano ito ka-pleasure na makilala ang aktres.
“What a pleasure to meet @iamheart [red heart emoji] and her wonderful team. She is the consummate multi-hyphenate: actor, singer, model, spokesperson, and (drum roll…) painter!”, saad ni Brandon sa kanyang caption.
Sa ngayon ay nasa Los Angeles si Heart Evangelista at ito ay dahil pinaghahandaan nila ang inaabangan ng lahat na ‘collaboration’ nila ni Brandon.
Ayon naman sa ilang mga ulat, ang ilang mga kahanga-hangang obra ni Heart ay kasama sa “Moonlights Art Creative” ang art gallery na itinataguyod ng frontman ng Incubus.
Inulan naman ng maraming samut’saring nakakatuwang komento ang mga larawan nina Heart at Brandon matapos nga itong i-repost ng isang Facebook page. Sa kabila naman ng marami ang nakyutan sa mga larawan ng dalawa,
ay may ilang netizens naman ang pumuna sa kung ano nga kaya ang naging reaksyon ng mister ni Heart na si Gov. Chiz Escudero sa mga larawan na ito ng aktres at ni Brandon.
Halos karamihan nga ng nagkomento ay mga panunukso kay Gov. Chiz, at ang iba nga ay sinabi pang “Chiz left the group”.






0 Comments