Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Jessy Mendiola Ipinasyal Ang Kanyang Mga Tagasubaybay Sa Malawak Na Farm Ng Mother-In-Law Na Si Vilma Santos

Sa latest vlog ni Jessy Mendiola nito lamang nakaraan ay muli niyang ipinasyal ang kanyang mga tagasubaybay. At sa pagkakataon ngang ito, ay ipinasilip niya ang isa sa mga magandang lugar na pag-aari ng kanyang mother-in-law na si Vilma Santos-Recto.

Kamakailan nga lamang ay namasyal ang aktres kasama ang kanyang mister na si Luis Manzano sa farm ng ina ng nahuli, na matatagpuan sa Lipa, Batangas.

Ayon kay Jessy ang naturang farm ay pag-aari ng ina ng kanyang asawang si Luis na si Vilma Santos-Recto o mas kilala ng marami bilang ang tinaguriang Star For All Season ng showbiz na si Ate Vi at ng asawa nga nito na si Sen. Ralph Recto.

Sa latest vlog nga na ito ni Jessy ay masaya niyang ipinakita ang naging paglilibot nila ng kanyang asawang si Luis sa malawak na farm na pagmamay-ari ng ina nito. Makikita din sa naturang video, kung gaano nga naman talaga kaganda at nakakarelaks sa farm ni Ate Vi dahil sa ito ay napapalibutan ng mga luntiang halaman at puno.

Mlaiban pa sa magandang tanawin ng farm, ay may ilang mga alaga ring hayop na makikita dito, kagaya na lamang ng mga baka at ibon.

Hindi rin naman nawala sa farm na ito ni Ate Vi ang iba’t ibang uri ng punong kahoy, tulad na lamang ng puno ng mangga at iba pa ngang uri ng puno at halaman na namumunga ng gulay o di kaya naman ay prutas.

Ipinamalas naman ni Ate Vi ang pagiging isa niyang ‘cool’ sa video na ito ni Jessy, ito nga ay matapos niyang biruin ang kanyang anak na si Luis patungkol nga sa hugis ng mukha nito ng sila ay matuon sa isang puno ng mangga na tila nga walang bunga.

Ayon nga kay Ate Vi pagtitignan ang mangga ay tila nga wala itong bunga, sabay humarap ito sa anak niyang si Luis at biglang biro na “mayroon pala” na ang tinutukoy nga niya ay ang hugis ng mukha ng anak.

Sa sinabi na ito ng kanyang ina, ay mayroon din namang naging hirit si Luis, saad niya, an kanyang ina ay hihinto na sa pagpupulitika dahil magbabalik showbiz na nga ito at mapapanood sa programang “Goin Bulilit.”

Samantala, sa naging pamamasyal ng mag-asawang Jessy at Luis sa farm ng kanilang inang si Vilma Santos, ay nabanggit ng TV host-actor na plano na rin niya ang magkaroon ng sarili niyang farm sa Batangas. Nabanggit rin niya kung ano ang mga katangian ng probinsya at bakit magandang mag-invest ng farm sa naturang lugar.

Ayon kay Luis maliban sa magandang tanawin ng lugar, ay hindi rin mahirap ang mag-alaga ng pananim at hayod dito dahil nga sa taglay na klima nito. Kaya naman kung sakaling mag-invest siya ng farm, ay nais niya ring sa Batangas ito.

Kitang-kita rin naman sa naturang video na ito ni Jessy kung gaano siya kalapit sa ina ng kanyang asawa, na si Ate Vi, dahil sa naging paglilibot nila sa farm ay halos ito ang kanyang kasama at magkahawak kamay pa nga sila.

Kinaaliwan naman ng mga netizens ang naging pagpapasilip na ito ni Jessy sa napakaganda at lawak na farm ni Ate Vi, at ang iba namang netizens ay nagbigay komento sa kung gaano nila kinabibiliban ang samahan ni Jessy at Ate Vi bilang mag-in-laws.

“Super ganda ng place ng farm the landscape, the native house the surrounding everything nice.”
“I really admired how daughter in law and mother in laws bonding… ang ganda nila tingnan.”
“Ang ganda ng Lugar, nakaka-inspired naman talaga ang mga ganyang couple.”


Post a Comment

0 Comments