Isa sa mga celebrity baby na isinilang noong nakaraang taon ay si baby Joaquin na anak ng mag-asawang sina Dianne Medina at Rodjun Cruz. At tunay namang mabilis ang naging paglipas ng araw at buwan, dahil nito lamang nakaraan ay ipinagdiwang n ani baby Joaquin ang kanyang ika-1 taong gulang na kaarawan.
Kamakailan nga lamang ay makikita sa Instagram account ng celebrity mom na si Dianne Medina ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan na kuha sa naging masayang selebrasyon nila ng unang taong kaarawan ng kanilang anak na si baby Joaquin.
Base sa ulat, dahil sa patuloy na mga ipinapatupad na protocol ngayon sa ating bansa dahil sa paglaganap ng krisis, ay sa mismong tahanan lamang nina Dianne at Rodjun ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak para na rin sa kaligatasan nilang pamilya.
Makikita naman sa mga larawan sa IG post ni Dianne na ang naging tema ng kaarawan ni baby Joaquin ay “Safari Theme”. Sa kabila ng quarantine ang birthday ni baby Joaquin ay siniugaro naman ng mag-asawang Dianne at Rodjun na magiging espesyal ang araw na ito para sa kanilang anak. Kaya naman talagang pinabongga ng mag-asawa ang mga dekorasyon, at kitang-kita nga ang temang Safari mula sa table setting, iba pang dekorasyon at maging ang 5-layer cake ni baby Joaquin.
Maging ang outfit nina Dianne, Rodjun at baby Joaquin ay pang Safari Theme din dahil sila ay nakasuot ng Safari costumes. Kitang-kita naman ang nag-uumapaw na kakyutan ni baby Joaquin sa kanyang suot na costumes, samahan pa ito ng kanyang kagiliw-giliw na ngiti.
Kahit naman hindi pa naiintindihan ni baby Joaquin ang kaganapan sa kanyang kaarawan, ay maaninag naman sa ekspresyon ng mukha nito ang kasiyahan sa kanyang mga nakikita sa kapaligiran.
Kitang-kita rin naman kana Dianne at Rodjun ang kasiyahan nila para sa kaarawan ng kanilang anak, dahil sa kabila nga ng krisis na nangyayari ngayon sa kapaligiran ay naipagdiwang pa rin nila ng maayos at masaya ang kaarawan ng kanilang baby.
Ang buong detalye ng pagdiriwang ng kaarawan ni baby Joaquin ay mapapanood sa mismong YouTube channel ng kanyang mga magulang na sina Dianne at Rodjun.







0 Comments