Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sulyapan Ang Masayang Mother Daughter Bonding Ni Anne Curtis At Baby Dahlia

Isa sa mga celebrity baby ngayon na talaga namang kinagigiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang kakyutan ay ang baby girl ni Anne Curtis na si baby Dahlia. Hindi naman kataka-kata kung bakit napakakyut ni Baby Dahlia, ito ay dahil pareho naman talaga na gwapo at maganda ang kanyang mga magulang.

Matatandaan na isinilang ng actress-TV host na si Anne Curtis si baby Dahlia noong buwan ng Marso taong 2020 sa bansang Australia.

Sa naging pagdating ni Baby Dahlia sa buhay ng mag-asawang Anne at Erwan ay sinigurado nila na hands-on na hands-on sila sa pag-aalaga sa kanilang unica hija. Makikita naman sa bawat larawan na ibinabahagi ng mag-asawa sa kanilang social media account kung gaano sila kasaya sa pag-aalaga at pakikipag bonding kay baby Dahlia.

Matulin namang lumipas ang panahon, at ngayon nga ay halos nasa mahigit isang taong gulang na si baby Dahlia. Mas lalo namang masisilayan ngayon kay baby Dahlia ang kagandahan na namana niya sa kanyang mga magulang, kaya naman giliw na giliw pa lalo ngayon sa kanya ang mga netizens.

Samantala, nito lamang nakaraan ay muling kinagiliwan ng nga netizens si baby Dahlia, ito nga ay matapos ibahagi ni Anne sa kanyang Instagram account ang naging masayang kulitan nila ng anak habang naglalaro sila ng “peek a boo.”

Nagbahagi si Anne ng isang video kung saan ay makikita na nasa loob ng isang white at simple playtent si baby Dahlia habang nakasuot siya ng white over-all outfit. Mas naging cute pa nga lalo ang unica hija ni Anne dahil sa pig-tails na ayos ng buhok nito.

Maririnig nga sa naturang video ang naging mahinhin na boses ni Anne habang nakikipaglaro ng peek a boo kay bbay Dahlia at kitang-kita rin naman kung gaano nag-eenjoy si Dahlia sa laro nila ng ina habanh nagtatago nga siya sa loob ng kanyang white playtent.

“Peek-a-boo… She is loving her teepee @forestkidsnorway and ofcourse her comfy @tilidahli dreamsuit… Reel saw this first. But unsure if everyone can see it” saad ni Anne sa kanyang caption.

Ngayon nga ay mapapansin na mas aktibo na si baby Dahlia bilang isang bata. Lumalabas na rin nag kanyang kakulitan na normal na sa edad niya bilang isang munting bata. Makikita rin na ngayon ay mas nagiging kahawig na niya ang kanyang celebrity mom, na pinagmanahan niya ng kanyang kagandahan.


Post a Comment

0 Comments