Sa industriya ng showbiz ay marami na ang mga child star na napapanood natin noon ang hindi na natin nasisilayan ngayon. Karamihan nga sa mga dating child star noon, ay mas pinili na ang iwan ang showbiz para mamuhay ng simple at bigyang panahon ang mga bagay na para sa kanila ay mas mahalaga tulad na lamang ng pagkakaroon ng magandang edukasyon.
Kabilang sa mga dating child star noon na ngayon ay hindi na natin nasisilayan sa ating mga telebisyon at hindi na nga aktibo sa kanyang showbiz career ay si Celine Lim.
Matatandaan na si Celine Lim ay nag-umpisa sa karera niya sa showbiz sa Star Circle Kid Quest noong taong 2004. Dahil sa kanyang ipinamalas na husay sa pag-arte ay maraming beses siyang nabigyan ng mga proyekto. Ilan sa kanyang mga kasabayan sa industriya noon na halos mga kaedaran lamang niya ay sina Nash Aguas, CJ Navato at Sharlene San Pedro.
Ilan sa mga proyektong pinagbidahan ni Celine kung saan kanyang ipinakita ang nakakabilib niyang galing sa pag-arte ay ang Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.
Sa kabila ng kasikatan bilang isang batang aktres ay mas pinili ni Celine ang iwan ang kanyang karera sa showbiz, dahil mas nais niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at bigyang pokus ito. Taong 2019 nga ng matagumpay na makapagtapos ng kolehiyo si Celine sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Food Technology.
Mula sa batang nakikita natin noon sa telebisyon na mahusay umarte, ay isa nan gang ganap na dalaga ngayon si Celine sa edad nitong 22. At sa edad nga na ito ni Celine siya aay mayroon ng masayang buhay pag-ibig, na nito lamang nakaraan ay kanyang ibinahagi sa social media account niya.
Makikita nga sa social media account ni Celine ang naging pagbabahagi niya ng remake photoshoot nila ng kanyang six years ng boyfriend na kinilalang si Juan Marco Cuison.
Ayon naman sa nakasaad na caption ni Celine, sa unang pagtatagpo nila ng kanyang nobyo ay talaga namang hindi ito naging maganda para sa kanya pero kalaunan umano ay dito rin naman nagsimula ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa magkagaanan pa sila lalo ng loob at naging magkasintahan.
Dagdag pa ng dating aktres, masaya at kuntento siya sa relasyon nila ng nobyo. Saad pa niya mas yumayabong pa lalo ang kanilang pagmamahalan habang sila ay nagtatagal. “I’m truly grateful for this love and that is pure, genuine and sincere. Napakasarap matulong na masaya’t mapayapa, lahat sigurado.”
Dating Child Actress Na Si Celine Lim Ibinahagi Sa Social Media Ang Masaya Buhay Pag-Ibig
Source: Viral Pinas News







0 Comments