Pinapangarap ng marami sa atin ang makapasok o mapabilang bilang housemates ng Kapamilya reality TV show na Pinoy Big Brother. Isa kasi ito sa mga daan para maging isang artista sa mundo ng showbiz. Ilan nga lamang sa mga sikat na artista ngayon na nag-umpisa bilang housemates ni Kuya bago napasok sa mundo ng showbiz, ay sina Gerald Anderson, Kim Chui, James Reid at Sam Milby.
Samantala, hindi naman lahat ng nanalo bilang big winner sa nasabing reality TV show ay tumutuloy sa pag-aartista, dahil ang iba sa kanila ay mas ninais pa rin ang lumayo sa spotlight upang magkaroon ng simple at pribadong buhay.
Isa sa mga hindi malilimutan na naging Big Winner ng Pinoy Big Brother ay si Miho Nishida noong taong 2015 ng siya ay isa sa naging housemate ng PBB 737 edition. Matapos magwagi ay nagkaroon din ng ilang mga proyekto si Miho sa showbiz, ngunit kalaunan ay nahinto ang mga proyekto ni Miho lalo na ng mawalan ng prangkisa ang network na kanyang kinabibilangan sabayan pa ng naging pagsiklab ng krisis sa ating bansa.
At dahil sa may anak na kailangang suportahan si Miho, ay hindi naman pwede na wala siyang mapagkakitaan, kaya naman nagdesisyon siya na magtungo muli sa bansang Japan at doon ay maghanap ng trabaho. Hindi naman nahirapan maghanap si Miho ng trabaho sa nasabing bansa dahil siya ay isang half-Japanese.
Sa kasalukuyan nga ay nagtatrabaho bilang isang saleslady si Miho sa bansang Japan.
Marami naman sa mga tagahanga ni Miho ang nagtatanong kung magbabalik showbiz pa bai to, na binigyan naman ng kasagutan ng kanyang manager. Ayon nga sa manager ni Miho babalik din ito at may mga inaayos umano silang proyekto para sa kanyang alaga.
“Babalik din naman siya.” “May inaayos lang kaming project at kapag sure na, babalikan niya ang pag-aartista. Pero nakakabilib nga si Miho dahil imbis na tumunganga sa condominium unit nila, talagang nagdesisyon siyang mag-sales lady muna sa Japan. Ganyan naman si Miho, hindi namimili ng trabaho para may ikabuhay sila ng kanyang anak at nanay.”
Proud Sa Pagiging Sales Lady Ngayon Sa Bansang Japan Ang Dating PBB Big Winner Na Si Miho Nishida
Source: Viral Pinas News






0 Comments