Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Inspirasyon Ngayon Ang Kauna-Unahang Igorota Na Nakapagtapos Ng PH Air Force Military Training

Inspirasyon ngayon ang hatid ng isang Igorota sa marami, lalo na sa kanyang mga kapwa Igorot dahil sa naging tagumpay niya, kung saan siya nga ay ang kauna-unahang Igorota na nakapagtapos ng PH Airforce Military Training.

Tunghayan natin ang buhay at kuwento ng tagumpay ng Igorotang mula sa Sagada, Mountain Province na matagumpay na nagtapos ng training sa PH Airforce Military.
Ayon sa mga ulat, kinilalang si P2Lt. Lei Vanette Alungui ay isang registered nurse, at ngayon matapos nga ang kanyang naging training sa PH Airforce Military ay isa na nga siyang ganap at sertipikadong piloto sa elite branch ng Philippine Army.

Siya ay nagtapos ng kanyang training sa Air Force Academy of the Philippines sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas. Kabilang nga ang Igorotang si Lei Venette sa mga nagtapos sa nasabing Academy na may titulong Secon Lieutenant (2Lt) sa Philippine Air Force.

Sa mga larawan nga ni P2Lt. Lei Vanette na kuha nung siya ay magtapos sa nabanggit na Academy ng PH Air Force, ay makikita ang pagiging isa niyang proud na katutubo mula sa Sagada, Mountain Provice. Makikita ang isang larawan, kung saan siya ay may kasamang dalawang matanda na tila kanyang kapamilya, kung saan ang mga ito nga ay naka-suot ng pang katutubong damit.

Ang iba pang mga larawan ay nagpapakita ng naging matagumpay na pagtatapos ni P2Lt. Lei Vanette, kung saan mayroon nga siyang larawan na kuha habang nasa entablado, kung saan siya ay may hawak-hawak na tila isang ‘recognition certificate’ at katabi nga niya ay ang ilang mga opisyal ng Philippine Airforce.

Kitang-kita sa mga larawan niya, ang kanyang labis na kasiyahan at pagiging proud sa kanyang natamong tagumpay, lalo na’t batid niya na magiging isang inspirasyon para sa mga kapwa niya Igorota ang naging kuwento niya.

Patunay nga lamang ito, na kahit ano pa man ang estado ng ating buhay sa lipunang ating gunagalawan, lahat tayo ay may kakayahan na mabigyan ng katuparan ang pangarap na minimithi natin sa ating buhay. Kailangan lang ng sipag, tiyaga, at determinasyon sa bawat pangarap na ating nais makamtan.



Inspirasyon Ngayon Ang Kauna-Unahang Igorota Na Nakapagtapos Ng PH Air Force Military Training
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments