Sino ba naman ang hindi nangangarap na magkaroon ngsariling sasakyan? Marahil haloskaramihan sa atin ay pangarap na makabili ng sasakyan kung saan magiging kumportable ka o ang iyong pamilya kapag kayo ay bumayahe o may malayong lugar na pupuntahan.
Kung noon ay tila luho ang pagkakaroon ng sasakyan ng isang tao, ngayong panahon nga ng krisis ay naging necessity na ito, dahil mas ligtas ka nga namang bumyahe o pumunta sa isang lugar kung ikaw ay nakasakay sa pribadong sasakyan.
Hindi nga naman biro angg presyo ng mga sasakyan, kaya naman laking tuwa at gulat ng akres na si Yasmien Kurdi ng malaman na siya ay mayroong bagong sasakyan na sorpresa nga sa kanya ng asawa niyang si Rey.
Masayang ibinahagi ni Yas sa kanyang Instagram account ang kanyang napakagandang new toy, kung saan ito ay isang pormadong green mini truck ang peg. Kalakip ng larawan na ibinihagi ni Yas ay ang caption, kung saan ay pinasalamatan niya ang kanyang asawa para sa napakagandang sorpresa nito sa kanya.
“New baby? Thank you Pangga! Rey Soldevilla Jr? #DreamCar #Jimmy ??? #Happy”, ani Yasmien sa kanyang naging post. Ayon din mismo sa post ng aktres, ang naturang sasakyan ay talaga namang ‘dream car’ niya, kaya naman labis ang kanyang kasiyahan ng ito ay ibigay sa kanya ng asawa niya. Makikita naman na bilang isang wife at mommy, ay masaya at fulfilled si Yas sa kanyang buhay.
Kinilig naman ang mga netizens sa regalong natanggap ni Yas mula sa kanyang mister na si Rey, at marami nga ang talaga namang napa-sana all na mga netizens.
Bumuhos din ang mga komento mula sa mga netizens, kung saan ang iba nga ay pinuri ang napaka-porma na bagong sasakyan ni Yasmien.
“I love that car too???? Congrats po???” “Congats idol Yas. Happy wifey from lovable hubby.”
“Congratulations and be safe always? Miss Yasmien.” Makikita nga sa mga larawan na ibinahagi ni Yasmien kung gaano kaganda at kapormado ang bago niyang sasakyan. Hindi nga lamang siya ang nag-picture habang nakasampa sa unahan ng kanyang sasakyan, kundi makikita din sa isang larawan na kanyang ibinahagi ang kanyang asawa’t anak na tuwang-tuwa din para sa kanilang bagong sasakyan.
Yasmien Kurdi Ibinida Ang Napakaganda Nilang Bagong Sasakyan
Source: Viral Pinas News




0 Comments