Nito lamang nakaraan ay isang challenge ang ginawa sa kalye ng actress-vlogger na si Jelai Andres. Sa challenge niyang ito ay layunin niya na makatagpo ng mga ‘good samaritan’ at mabigyan ng gantimpala ang mga ito dahil sa kanilang ipinamamalas na kabutihan sa kapwa.
Ang ginawang challenge ni Jelai sa kalye para makakita ng mga mabubuti at tapat na tao ay ang “Laglag Pera Challenge”, kung saan sino mang tao ang magbabalik sa kanya ng perang kanyang malalaglag sa kalye, ay gagantimpalaan niya ng halagang 10,000 pesos bawat isa.
Nag-disguise si Jelai upang hindi siya makilala ng mga tao at kanya ngang maisakatuparan ng maayos ang kanyang plano. Nagbihis siya ng simple, kung saan ay magiging tila ordinaryong tao lamang siya na anglalakad sa kalye. Siya ay nagsuot ng wig, at ang kanya ngang damit ay daster, habang may dala-dalang bag at payong.
Bago isagawa ang kanyang challenge, ay naghanap muna si Jelai ng taong tingin niya ay siya ngang karapa’t dapat na makatanggap ng gantimpala mula sa kanya, na magsasauli nga ng pera na kunwari y malalaglag niya. Hanggang sa may nakita na nga siyang tao, at sinimulan na nga niyang isagawa ang pagkukunwaring mahuhulugan siya ng perang nagkakahalaga ng 500 o 1000 pesos.
Sa unang pagpapanggap na ginawa ni Jelai ay agad siyang nakatagpo ng good Samaritan, dahil ang taong nakapulot ng perang kanyang nahulog ay agad itong ibinalik sa kanya.
Halos hindi naman makapaniwala ang taong nagbalik sa kanya ng pera, ng ito nga ay pagkalooban niya ng gantimpalang nagkakahalaga ng 10,000 pesos, at ito nga ay labis na nagpasalamat sa kanya. Hindi naman napigilan ni Jelai ang kanyang emosyon, ng makitang naiiyak ang taong kanyang nagantimpalaan.
Napakarami ngang tao ang nagantimpalaan ni Jelai sa kanyang ginawang challenge na ito, kung saan nga ang bawat isa sa mga ito ay nabigyan niya ng halagang 10,000 na talaga namang malaking halaga na. Karamihan nga sa mga nagantimpalaan ni Jelai, ay gagamitin ang naturang halaga sa pambayad sa kanilang mga bayarin.
Naubos ni Jelai ang lahat ng perang kanyang dala, sapagkat lahat ng tao nga na nakapulot ng perang inihulog niya ay ibinalik ito sa kanya.
Sa challenge nga ito ni Jelai ay nagpatunay lamang na sa kabila ng nararansan na kahirapan ng marami nating kababayan ngayon ay marami pa rin ang nanatiling tapat, kung kaya naman labis ang nadamang kasiyahan ni Jelai, dahil maliban nga sa nakatulong na siya, ay napatunayan niya na din na marami pag mga Pinoy ang tapat at may mabubuting kalooban.
Actress-Vlogger Na Si Jelai Andres Ginamtimpalaan Ang Mga ‘Good Samaritan’
Source: Viral Pinas News







0 Comments