Isa sa mga negosyong patok na patok ngayon ay ang ukay-ukay business. Ito ay dahil marami naman talaga ang bumibili nito, dahil maliban sa mura na ay talaga namang dekalidad pa.
Ngunit tulad ng ibang mga negosyo, ay ‘risky’ din talaga ang ukay-ukay, at hindi nga lahat ng pinapasok ito ay nagiging matagumpay. Ngunit ang netizens na si Rachel Lucaňas, ay isa sa mga naging matagumpay sa negosyong ito.
Si Rachel Lucaňas, ay isa nga sa mga nagpatunay na hindi imposible na maging matagumpay sa negosyo, kung ito ay hindi mo susukuan. Pagbabahagi niya, kagaya ng ibang mga sumugal sa negosyo,
ay dumaan rin siya sa mga pagsubok. Naranasan din niya ang pagkakaroon ng matumal na kita, ngunit sa kabila nito, ay nagpatuloy pa rin siya ayt mas lalo pa ngang pinagsumikapan na makabenta. Hindi naman nagtagal ay tuluyan nga niyang napalago ang negosyo niyang ukay-ukay.
Ibinahagi rin niya, na maliban sa naranasang niyang tumal sa negosyo, ay naranasan din niyang makarinig ng mga hindi kanais-nais sa mga taong malalapit sa kanya. Noong pasukin nga niya ang negosyong ukay, ay may mga kumuwestyon sa kanyang naging desisyon, sapagkat malayo ang pagnenegsyo sa kursong natapos niya sa kolehiyo.
Aminado rin naman si Rachel, na noong una talaga ay marami ang nagdududa sa abilidad niyang magpatakbo ng negosyo. Dagdag pa niya, kinabahan din siya ng pasukin niya ang ukay-ukay, lalo na’t napakarami ng kakumpetensya, idagdag pa ang nararanasan natin na krisis ngayon.
Hindi naman pinanghinaan ng loob si Rachel, sa kabila ng napakarami niyang mga kakumpetensya sa negosyong pinasok niya. Ayon naman kay Rachel, nagsimula lamang siya sa isang bulto ng ukay-ukay, at ito nga ay kanyang ibenebenta online. Siya rin mismo ang nagmomodelo ng mga paninda niya, at siya rin ang nag-aasikaso mula sa mg order hanggang sa pagpapadala nito sa kanyang mga customer.
Talaga namang naging matiyaga si Rachel sa negosyo niyang ukay-ukay, kaya naman kalaunan, ang isang bultong ukay-ukay niya ay naging bulto na ng ukay.Sa ngayon ay mayroon ng sariling warehouse Rachel, at may sarili na rin siyang van, na ginagamit niya sa pagde-deliver sa kanyang mga customer. Labis din ang kanyang kasiyahan, dahil sa naging tagumpay niya sa negosyong ukay, ay napaayos rin niya ang kanilang bahay.
Dahil Sa Negosyong Ukay-Ukay Isang Babae Nakamit Ang Asenso At Mga Pangarap Sa Buhay
Source: Viral Pinas News







0 Comments