Kabilang sa mga sikat na bituin ngayon sa industriya ng showbiz si Janine Gutierrez, samantala si Vico Sotto naman ay isa sa mga hinahangaang Mayor sa ating bansa, kung saan siya nga ay nanunungkulan sa lungsod ng Pasig.
Marami sa atin ang hindi nakababatid na bata pa lamang ang dalawa ay magkakilala na sila, at ito ay saka lamang nga nalaman ng publiko ng magbahagi ng throwback photo ni Janine ang kanyang inang si Lotlot de Leon nito lamang nakaraan.
Ika-3 ng buwan ng Hulyo, taon ng kasalukuyan, ng magbahagi si Lotlot de Leon ng mga lumang larawan ng kanyang panganay na anak na si Janine. Isa sa mga larawan na kanyang ibinahagi, ay makikita na bata pa nga lamang si Janine ay kakikittaan na ito ng husay sa pag-arte, ito ay dahil sa larawan nga ay masisilayan na umaarte ang bata pa noong si Janine sa tila isang play sa kanilang paaralan.
Sa larawan ngang ibinahagi ni Lotlot ay hindi naman nakatakas sa mata ng mga netizens, ang batang lalaki na kasama ni Janine sa larawan, na siya ngang kasamahan at tila leadingman niya. Ang batang lalaki nga na ito na kasama ni Janine ay walang iba kundi ang hinahangaang Mayor ngayon ng lungsod ng Pasig, na si Vico Sotto.
Nilakipan naman ni Lotlot ng caption ang larawan na ito na kanyang ibinahagi ng;
“Kay bilis ng panahon… ang aking panganay na laging kasama dati sa school at ang kanyang leadingman ay walang iba kundi ang napakahusay na Mayor ngayon ng Pasig [red heart emoji] Janine and Mayor Vico”, saad ng ani Lotlot sa kanyang caption.
Hindi naman napigilan ng mga netizens ang magulat na malaman na bata pa lamang pala sina Janine at Mayor Vico ay magkakilala na ang mga ito, at schoolmate’s pa nga. Dagdag pa nga ni Lotlot sa kanyang caption, na sina Janine at Vico nga ay nakatadhana sa kani-kanilang tinatahak na karera ngayon.
“Both meant to be great in their chosen careers! Napakasarap alalahanin at tignan! Nakaka-proud talaga!” Sa comment box nga ng IG post na ito ni Lotlot ay mababasa ang pagkomento ng panganay niyang anak na si Janine ng “Mama [laughing emoji]”, na tila nga’y nahihiya.
Kahit naman magka-iba ng tinahak na landas ang dating magka-schoolmate na sina Janine at Vico, ay pareho naman silang hinahangaan ng marami dahil sa ipinapamalas nilang husay sa karera nila ngayon.
Mga Netizens Kinaaliwan Ang Kakyutan Nina Janine Gutierrez At Mayor Vico Sotto Noong Bata Pa
Source: Viral Pinas News





0 Comments