Lingid sa kaalaman ng marami sa atin na apat pa lang magkakapatid sina Ivana Alawi, ito ay dahil sa madalas ngang ang mga kapatid niyang sina Hashim at Mona, ang madalas na nakakasama ng actress-vlogger sa kanyang mga vlog.
Talaga namang bihira lamang na makumpleto ang magkakapatid na Alawi, ngunit nito nga lamang nakaraan ay iknatuwa ng mga tagahanga ni Ivana, ng sa unang pagkakataon ay makasama ng actress-vlogger sa kanyang vlog ang nakatatanda niyang kapatid na si Amira.
Sa bagong vlog ni Ivana na may titulong “A DAY WITH US!*NEW HAIR* ay mapapanood nga ang naging masayang bonding ni Ivana at ng kanyang pamilya, kung saan dito na rin nila nakasama si Amira.
Sina Ivana at kanyang pamilya ay nagpunta nga sa paboritong salon ng aktres. Maliban nga sa kanyang ina, at dalawang kapatid na sina Hashim at Mona na kilala na ng publiko, ay present nga sa vlog na ito ni Ivana ang ate Amira niya na ngayon lang nasilayan at nakilala ng publiko.
Makikita nga na si Ivana at ang kanyang Ate Amira ay naka-matching ng Denim outfit, at talaga namang pareho na maganda ang mga nakatatanda sa magkakapatid na Alawi.
Kahit naman sumali sa vlog ni Ivana ang kanyang Ate Amira, ay kapansin-pansin pa rin ang pagiging mahiyain nito, kaya naman walang tigil ang actress-vlogger na kulitin ang kanyang nakatatandang kapatid para naman makisaya ito sa kanila.
“Mahiyain siya, guys pero ngayon pumapayag na siyang sumama”, saad ni Ivana,
Ayon nga kay Ivana, likas na mahiyain ang kanyang Ate Amira, kaya naman talagang nasiyahan siya at ang kanyang pamilya ng pumayag na ito na sumali sa kanyang vlog.
Samantala, ng matapos nga ang naging pagpapa-hair treatment at hair cut ng pamilya, ay maram sa mga netizens ang nagustuhan ang new hair look ni Mona, dahil lalo nga naman itong nagpa-cute sa kanya.
Hindi naman nagpahuli si Ivana, kung saan ang kanya ngang piniling gupit para sa kanyang buhok ay inspired sa sikat na miyembro ng BlackPink na si Lisa. Maikli nga ang naging haircut ni Ivana, ngunit bagay na bagay naman ito sa kanya.
“First time ko magpapaiksi ng hair. Wala lang. Gusto ko lang ng something different. Hindi naman ako broken hearted or what, pero idol ko kasi si Lisa kaya gagayahin ko ‘yung hair niya. Ang ganda”, ang naging pahayag naman ni Ivana.
Tila naman bagets na bagets ang nakatatandang kapatid ni Ivana na si Amira, dahil tulad ng bunsong kapatid nilang si Mona, ay nagpa-bbangs rin ito na bumagay naman sa kanya.
Nang makauwi na nga ang pamilya Alawi, ay nagkaroon pa sila ng bonding sa loob ng kanilang tahanan, kung saan ay inenjoy nila ang pagkain ng barbecue at steak.
Bago naman natapos ang kanyang vlog ay ipinakilala nga ng lubos ni Ivana sa kanyang mga tagasubaybay ang kanyang ate Amira. “So, this is our Ate Amira! Marami sa inyo ang naghahanap sa kanya. Kasi mahiyain talag siya pero she’s beautiful and smart…. And single”, ang naging pagpapakilala nga ni Ivana sa kanyang ate Amira.
Nagbahagi naman ng kanyang mensahe si Amira para sa mga kapwa niya single mom;
“To all the single moms out there, stay strong. It’s not always easy, especially by yourself but you can just prove to your son and just set a good example, and inspire other moms”, ang naging mensahe ni Amira.
Nakatatandang Kapatid Ni Ivana Alawi Na Si Amira Nasilayan Na Ng Publiko Sa Unang Pagkakataon
Source: Viral Pinas News







0 Comments