Isa sa mga international singer na talaga namang malaki ang ‘impact’ at labis na hinahangaan ng mga Pinoy ay si Justine Bieber. Tunay na marami sa mga Pinoy fans niya ang nangangarap at ninanais na makita siya sa personal kung siya nga ay magkakaroon ng concert dito sa bansa.
Kung kaya naman talang napa-Sana All ang maraming mga Pinoy fans ng international singer sa isang Pinoy na nagtatrabaho sa bansang Jeddah ng ito ay makapagpa-picture kay Justine Bieber.
Unang sumikat at nakilala si Justine Bieber noong taong 2010 ng pumatok ang kanyang awiting ‘Baby’ na isa nga sa mga naging ‘top hit’ na awitin noon saan mang panig ng mundo. At ang mga Pinoy ay isa lamang sa mga talagang hinangaan ang magandang tinig ng international singer, kung kaya naman kapag si Justine Bieber ay mayroong mga bagong awitin ay talagang paulit-ulit itong maririnig sa mga Pinoy fans niya.
Samantala, ang isang Pinoy na nagtatrabaho sa bansang Jeddah ang ngayon ay kinaiinggitan ng marami dahil sa nagawa nitong makita ng personal si Justine Bieber at makapagpa-pircture pa sa sikat na mang-aawit sa buong mundo.
Ayon sa ulat, noong ika-5 ng buwan ng Disyembre ay isa si Justine Bieber sa mga nag-perform sa naganap na Formula 1 Saudi Arabia Grand Pix, kung saan ito ay isang motor racing event na ginanap nga sa Jeddah. Isang maikling video ang nagpakita ng naging pagdating ni Justine at Hailey sa isang hotel, kung saan nga nagtatrabaho ang Pinoy na kinilalang si Angelo Redilla.
Tila nga hindi pinalampas ni Angelo ang pagkakataon na nasa pinagtatrabahuan niyang hotel ang sikat na international singer, dahil sa kanyang socmed account ay kanyang ibinahagi ang mga larawan kung saan ay makikita ngang kasama niya si Justine Bieber at nakaakbay pa ito sa kanya.
“Tatanggi ka pa pag si Hailey na magyaya ng picture. Idol Justine Bieber is in the house”, saad ng Pinoy na si Angelo sa caption ng kanyang post. Umani naman kaagad ng napakaraming reaksyon at komento ang mga larawan nga na ito na ibinahagi ni Angelo. Marami naman talagang mga Pinoy fans ni Justine Bieber ang napa-sana all.
Isang Pinoy Ang Kinainggitan Dahil Sa Selfie Niya Kay Justine Bieber
Source: Viral Pinas News




0 Comments