Pinag-usapan kamakailan lamang ang OPM singer na si Sheryn Regis patungkol sa di umanoy pagkakaroon nila ng relasyon ng YouTuber na si Mel de Guia, ito nga ay matapos lumabas ang ‘sweet’ na TikTok video ng dalawa.
Agad namang umani ng napakaraming reaksyon ang TikTok video na ito ng dalawa, kung saan ay iba’t iba nga ang naging reaksyon at komento ng mga netizens patungkol dito.
Makalipas ang ilang araw, ay inamin na nga ni Sheryn Regis sa publiko na siya at si Mel de Guia ay magkarelasyon, kasabay nito ay ang naging pagbabahagi niya ng larawan sa kanyang Instagram kung saan makikita na siya ay karga ng YouTuber at bakas sa ngiti nilang dalawa ang kaligayahan na nadarama nila.
“YES” na mayroong heart emoji ang naging simpleng caption ng OPM singer sa kanyang naging post, at ito na rin nga ang naging kaliwanagan para sa lahat kung ano nga ba ang tunay na namamagitan sa kanila ni Mel.
Sa kanyang TikTok account ay nagbahagi rin si Sheryn ng isa pang ‘sweet photo’ nila ni Mel, kung saan makikita naman na ang kanilang mga mukha ay magkadikit. Nilakipan naman niya ito ng ilang mga lyrics mula sa classic song na may titulong ‘One Hello.’
“FIRST YOU GOTTA LET THEM IN CUZ LOVE BEGINS WITH HELLO!” saad pa nga ni Sheryn sa isang entry niya sa TikTok. Samantala, sa kabilang banda naman ay makikita rin sa socmed ni Mel ang pagbabahagi niya ng larawan nila n 42-taong gulang na OPM singer kung saan sila nga ay sweet na sweet na magkayakap at damang-dama sa kanilang mga ngiti sa labi ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Ikinagulat man ng maraming tagahanga ni Sheryn ang pag-amin niyang ito ng relasyon nila ni Mel, ay marami pa rin sa kanyang mga tagahanga at kaibigan ang nagpaabot ng suporta sa kanilang relasyon. Isa na nga sa mga malalapit na kaibigan ni Sheryn at Mel na nagpaabot sa kanila ng mensahe kung gaano ito kasaya para sa kanilang dalawa ay si Ice Seguerra.
Lingid sa kaalaman ng marami na si Sheryn ay mayroong foreigner husband at isa ngang anak na nasa ibang bansa, ngunit sa pag-amin nga na ginawa ng OPM singer ay malinaw na nga na sila ng kanyang asawa ay hiwalay na at ngayon nga ay masaya na muli ang kanyang puso sa piling ni Mel de Guia.
OPM Singer Na Si Sheryn Regis ibinunyag Ang Relasyon Nila Ng YouTuber Na Si Mel de Guia
Source: Viral Pinas News






0 Comments