Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

TV Patrol Pormal Ng Ipinakilala Ang Bagong Weatherman Na Pumalit Kay Kuya Kim Atienza

Ikinalungkot ng maraming tagasubaybay ng TV Patrol ABS-CBN news ang naging pag-alis ni Kuya Kim Atienza sa nasabing programa bilang weatherman. Ito ay dahil nga sa nagdesisyon si Kuya Kim na sumubok ng ibang oportunidad sa rival network na GMA-7.
Sa kabila nito, ay naging bulung-bulungan nga kung sino ang papalit sa iniwang segment ni Kuya Kim sa TV Patrol.

Hindi naman nagtagal ay pormal ng ipinakilala sa TV Patrol ang pumalit sa dating weatherman na si Kuya Kim, kung saan ito nga ay si Ariel Rojas na siya ngang magiging bagong resident meteorologist ng nasabing programa.

Nito nga lamang nakaraan ay binigyan ng warm welcome ni TV Patrol anchor Karen Davila ang bago nilang makakasama sa trabaho, at ito nga ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.
“Let’s give a WARM WELCOME to TV Patrol’s new weatherman, PAGASA meteorologist @arielrojasph… Naiiyak ang tatay ni Ariel habang pinapanood siya sa TV. So happy for your big break, Ariel!!!!”, ang naging saad ni Karen sa caption ng kanyang IG post.

Aniya pa, personal din na binati ni ABS-CBN new head Ging Reyes si Ariel sa una nitong pag-ere.
Samantala ng makapanayam ng ABS-CBN si Ariel ay naibahagi niya ang kanyang mga pinagdaanan bago siya naging isang ganap na meteorologist. Ibinahagi niya na isa sa mga dahilan kung bakit napalapit siya sa pagbibigay impormasyon sa panahon ay dahil siya ay lumaki sa probinsiya sa ating bansa na madalas ngang hagupitin ng bagyo.

Ayon kay Ariel siya ay laking Catanduanes at ang kanila ngang probinsya ay madalas na hagupitin ng bagyo, kung kaya naman saksi siya kung paano nakakaapekto ang panahon sa buhay ng marami. Ito rin ang dahilann kung bakit sa murang edad niya ay batid niya na ang kahalagahan ng impormasyon patungkol sa panahon.

Ibinahagi rin ni Ariel sa panayam sa kanya ang isa sa mga hindi niya malilimutang karanasan ng hagupitin nga ang kanilag lugar ng bagyong Rosing noong taong 1995.
“Magkakasama kaming family. Ang takip lang naming parang ‘yung mantel na makapal na nilalabas lang pag-fiesta, kasi ‘yung bubong namin sa second floor, nipa shingles lang. So, nilipad na at nabutas na”, aniya.

Dagdag pa niya, noon nga ay hindi meteorology ang dream course niya kundi geography, ngunit dahil hindi kakayanin na tustusan ang kanyang pag-aaral sa ganitong kurso ay kumuha siya ng kursong Bachelor of Science in Food Technology sa University of the Philippines.

Huminto siya sa pag-aaral noong siya ay nasa senior high na upang suportahan ang kanyang mga kapatid, at ng ang mga ito nga ay nakapagtapos na ay dito na nga siya nagkaroon ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral hanggang sa siya ay makapagtapos.

Nang siya ay makapagtapos na sa unang kurso niya, ay sumunod niyang kinuha ang Masters in Meteorology, at ito nga ay kanyang natapos noong taong 2017. At dito na nga nagsimula ang kanyang career bilang meteorologist, kung saan siya ay nagtrabaho sa PAGASA at ngayon nga ay bilang pinakabagong meteorologist ng TV Patrol sa ABS-CBN.



TV Patrol Pormal Ng Ipinakilala Ang Bagong Weatherman Na Pumalit Kay Kuya Kim Atienza
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments