Donnalyn Bartolome, at maliban sa kanyang magaganda at nakakaaliw na mga content sa kanyang YouTube vlog ay talaga namang hinangaan ng marami niyang mga tagasubaybay ang kanyang taglay na kagandahan.
Maliban nga sa pagiging isang content creator ni Donnalyn ay marami pa siyang maipagmamalaking talento, kagaya na lamang nito pagsulat ng awitin, pagkanta, pag-rap at kahit nga ang pagdi-direk mismo ng kanyang mga music videos.
Ngunit lingid nga sa kaalaman nating lahat ay may espesyal ding katangian si Donnalyn, at ito nga ay nasa bahagi ng kanyang mukha na hindi naman talaga napapansin. Ang espesyal nga na katangian niyang ito ay ang nasa kanyang mga magagandang mata.
Kulay ‘hazel brown’ ang kulay ng mata ni Donnaly, ngunit ayon mismo sa kanya, ang kulay umano nito ay nagbabago depende sa kanyang emosyon at kamakailan nga lamang ng ito ay kanyang ibahagi sa Instagra account niya.
“I was 16 years old when I learned my eyecolor changes depending on my mood”, ani Donnalyn.
Ayon nga kay Donnalyn, labing-anim na taong gulang siya ng mapagtanto niya na nag-iiba ang kulay ng kanyang mga mata depende sa emosyon na nararamdaman niya. Dagdag pa niya, marami na rin ang nakakapansin nito, dahil kapag ang mataas na emosyon ang kanyang nararamdaman ay agad ngang makikita sa kanyang mga mata ang pag-iiba nito ng kulay.
Pahayag pa niya, talagang nag-iiba ang kulay ng kanyang mga mata, lalo na nga kapag siya ay nakakaramdam ng kalungkutan, kagalakan o kung ano pa mang labis na emosyon.
“Everytime I’m feeling something, whether it’s sorrow, happiness, anger.. it drastically changes”, dagdag pa nga ng vlogger.
Ibinahagi rin ni Donnalyn na ikinusulta na rin niya sa mga espesyalista sa mata ang kanyang kundisyon, at ipinaliwanag naman sa kanya kung bakit nga ganoon ang nangyayari sa kulay ng kanyang mga mata pag labis ang nararamdaman niyang emosyon.
“I asked my doctor and he said my eye muscles contract when feeling extreme emotions. I was amazed!”
Matatandaan na ang kantang ‘Kakaibabe’ ang unang sumikat na kanta ni Donnalyn, kung saan ay nagkaroon ito ng 41-milyon na views sa YouTube sa loon ng pitong taon.
Tunay nga namang ‘Kakaibabe’ si Donnalyn!!!
Donnalyn Bartolome Ibinahagi Ang Pag IIba Ng Kulay Ng Kanyang Mata Depende Sa Kanyang Emosyon
Source: Viral Pinas News






0 Comments