Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mega Star Sharon Cuneta Pinahanaga Ang Mga Netizens Dahil Sa Magandang Pangangatawan Ngayon

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Mega Star Sharon Cuneta? Siya ay isa sa mga bituin sa mundo ng showbiz na tinitingala ng marami noon haggang ngayon. Tunay na isa siyang mahusay na atista at mang-aawit, kaya naman mapa-bata o matanda man ay kilala siya.

Sa mundo ng showbiz na kinabibilangan ni Mega ay hindi na nga mabilang ang naiambag niya, dahil napakarami niyang nagawang mga pelikula, at ang napakaraming awitin na kanyang inawit ay maririnig pa rin nga natin hanggang ngayon sa video oke man o telebisyon.

Kung babalikan natin, ilan nga sa mga magagandang awitin ni Mega Star na tumatak sa puso ng marami ay ang “Bituing Walang Nining” na talaga namang tagos sa puso ang nilalaman ng liriko nito.
Hindi lamang naman sa pagiging isang mang-aawit at aktres hinahangaan ng marami si Sharon, dahil sa likod ng kamera ay hinahangaan din siya bilang isang mapagmahal na asawa at maarugang ina sa kanyang mga anak.

Matatandaan na noon ay ikinasal siya sa aktor na si Gabby Concepcion at sila ay nagkaroon ng isang anak na babae, at ito nga ay si KC Concepcion, ngunit ilang taon lamang ang kanilang naging pagsasama ay nauwi na sila sa hiwalayan. Sa ngayon nga ay ‘happily married’ si Mega Star sa mister niyang si Kiko Pangilinan at sila naman ay nabiyayaan rin ng mga anak.

Samantala, sa pagkakaroon ng anak, ay hindi nga naiwasan na tumaas ang timbang ni Mega Star at talaga namang naging ‘struggle’ sa kanya ang pagpapayat. Ngunit marami sa kanyang mga tagahanga ang namangha at nagulat nang nito lamang nakaraan ay ibida niya sa kanyang socmed ang mas slim na niyang pangangatawan ngayon.

Makikita sa larawang ibinahagi ni Mega Star Sharon Cuneta na talaga namang naging maganda ang resulta ng ginawa niyang fitness journey, dahil bagay na bagay sa kanya ang mas slim na niyang pangangatawan ngayon kung kaya naman nakakapagsuot na rin siya ng mga fit shirt.

Sa larawan nga ay makikitang isang fit shirt ang suot ni Mega at ito ay mas lalong nagpakita ng maganda ng hubog ng kanyang katawan. Ang suot nga ni Mega na shirt na ito, ay ang may tatak na “Andito Tayo Para sa Isa’t Isa” na ginamit nga nila sa inilabas na Christmas Station ID ng ABS-CBN network.
Kasalukuyan namang kabilang ngayon si Mega Star sa ABS-CBN Primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”



Mega Star Sharon Cuneta Pinahanaga Ang Mga Netizens Dahil Sa Magandang Pangangatawan Ngayon
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments