Ang mag-asawang Anabelle Rama at Eddie Gutierrez ay isa sa mga celebrity couple na hinahangaan sa mundo ng showbiz. Dahil nasa dugo nila ang pagiging mahusay na artista, maging ang kanilang mga anak ay kilala at mga sikat rin ngayon sa industriya ng showbiz, kagaya na lamang nina Ruffa Gutierrez (beauty queen-actress), Raymond Gutierrez (TV host) at Richard Gutierrez (actor).
Matagal ng kilala ang pamilya Gutierrez sa mundo ng showbiz, ngunit sa kabila nito ay hindi pa nga nasisilip ng madlang pipol ang kanilang ‘mansion house’.
Ayon sa ulat ang mansion house ng pamilya Gutierrez ay binili ng mag-asawang Anabelle ar Eddie noong taong 1987, kung saan ito nga ay nasa komunidad ng White Plains, Quezon City. Ang house and lot nga na ito na binili ng mag-asawa ay may kabuuang sukat na 660sqm anng lote.
Dalawang dekada ang lumipas, at ngayon nga ay na-update na ng mag-asawa ang kanilang tahanan. Sa tulong ng interior designer na si Jeizele delos Reyes-Go, ay nabago nga at mas lalo pang gumanda ang tahanan ng pamilya Gutierrez.
Pagbabahagi ng interior designer, halos lahat sa loob ng bahay ay kanilang binago maliban sa mataas nitong kisame at pundasyon. Ginawa nga nilang minimalist ang disenyo ng loob ng bahay, upang magmukha itong simple at malinis sa mata.
“simple, linear, malinis … minimalist.. walang gulo”, ang naging saad nga ni Jeizele.
Sa kabila naman ng naging pagbabago ng kanilang mansion house, ay sinigurado naman ni Anabelle na ang lahat ng mga hagdan, ay nakasunod pa rin sa tradisyonal na paniniwala pagdating sa gusali ng mga Pilipino. Ang tradisyonal na paniniwala ngang ito ay ang konsepto ng Espanya na oro, plata, mata (ginto, pilak, kamatayan). Kinakailangan nga na ang hagdanan kapag ikaw ay umakyat ay magtapos a oro o ginto.
Makikita ang talahanayan na kung tawagin ay Total Flightcase sa loob ng mansion house ng pamilya, ito nga ay isang one-of-a-kind at nagkakahalaga nga umano ng P384,000dahil sa ito ay isang bahagi ng koleksyon na nilikiha para sa mga Moroso.
Matatagpuan naman sa kanilang dining area ang isang 8-seater dining set, at ito ay binibigyang liwanag ngnapaka-eleganteng chandelier na gawa sa capiz at crystals.
Napakalawak at napakaaliwalas ng master’s bedroom na matatagpuan sa unang palapag. Dito rin matatagpuan ang wallk-in closet ni Anabelle Rama, kung saan maayos na naka-display ang kanyang mga magagarang damit, sapatos at bag. Sa dami nga ng mga ito ay mapagkakamalan itong isang tindahan ng mga mamahaling gamit pangbabae.
Tunay na kahanga-hanga ang kinalabasan ng renovation ng mansion ng pamilya Gutierrez at siguradong bongga ang halaga na nagastos sa pagpapaganda nito.
Gutierrez Family Mansion House Ipinasilip Sa Publiko Sa Unang Pagkakataon
Source: Viral Pinas News








0 Comments