Taong 2019 ng unang ibahagi ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa kanyang social media account ang larawan nila ng kanyang fiancée na si David Rainey, isang Irish businessman at diving instructor.
Kagaya ng ibang magkarelasyon, ay naapektuhan rin ng krisis ang relasyon ng mag-fiancée, dahil sila nga ay long-distance ang relasyon.
Nagsimula sa isla ng Siargao ang kuwento ng dalawa, kung saan noon nga ay madalas umanong magtungo sa mala-paraisong isla si David upang mag-surfing, at doon na nga niya nakilala ang Kapuso actress na si Glaiza. Tila nga ang Siargao ang naging daan sa magandang pagtitinginan ng dalawa, dahil magmula nga noon ay hindi na lamang ang pagse-surfing ang dahilan ni David upang magtungo sa ating bansa, kundi upang masilayan din ang babaeng minamahal niya.
Sa kabila ng pagiging isang showbiz personality si Glaiza ay hindi naman ito naging hadlang kay David, bagkus ay suportado niya ang Kapuso actress sa career nito. Madalas pa nga ay kasama ni Glaiza si David sa kanyang mga shoots.
“Masaya ako na nakikita niya ‘yung mga pinaggagagawa ko” “Minsan tinatanong ko siya, sigurado ka ba sasama ka?” “Pero masaya ako na nag-eenjoy siya at nag-eenjoy din ako na kasama siya.”
Samantala, naibahagi naman ng Kapuso actress na noon pa man umano ay ramdam na niya na hindi isang Pinoy ang makakatuluyan niya, bagkus ay isa nga itong foreigner, at totoo nga sapagkat isang banyaga nga naman ang nagpapatibok at nagpapakilig sa kanyang puso.
Kahit naman long distance ang relasyon ng dalawa at mahirap nga ang ganitong set-up ng relasyon, ay nagagawa pa rin nina Glaiza at David na patatagin ang pagsasama nila at gumawa ng oras upang makasama nila ang isa’t isa.
Ayon nga kay Glaiza, ang pagpapasenya at pagtitiwala nila sa kanilang relasyon at sa isa’t isa ang mas nagpapatibay sa kanila na balang araw ay magkakasama rin sila at hindi na magkakahiwalay pa.
“Patience and test of faith sa relationship namin at sa isa’t isa that someday, it will happen,” ani Glaiza.
Matatandaan na noong buwan ng Disyembre taong 2020 ng magtungo ang Kapuso actress sa bansang Ireland upang bisitahin ang nobyo niyang si David, at muling ma-meet ang pamilya nito. Nang taong din iyon, ng mismong Christmas eve ay na-engaged ang dalawa matapos ngang mag-propose ni David kay Glaiza.
Kilalanin Ang “The One” Na Nagpapatibok Sa Puso Ng Actress Na Si Glaiza de Castro
Source: Viral Pinas News





0 Comments