Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Elha Nympha Pinamangha Ang Mga Netizens Sa Glow-Up Photo Ng Kanyang Pagdadalaga

Iba’t iba ang naging epekto sa marami ng karanasan natin na manatili sa loob ng ating tahanan ng halos ilang buwan dahil sa pagkakaroon ng krisis. Para sa iba nga ay naging daan ito upang ma-pokusan ang sarili at maalagaan ito ng maayos, kagaya na lamang nito ang ilan sa mga batang artista na nagpamangha at nagpagulat sa lahat dahil sa kanilang naging puberty glow up habang sila ay nanatili sa loob ng kanilang tahanan.

Isa na nga sa mga ito si Ehla Nimpha na unang nakilala ng publiko bilang ang The Voice Kid Grand Winner. Halos hind inga nakilala si Ehla ng kanyang mga tagahanga dahil sa napakalaking pagbabago na nangyari sa kanya gawa ng kanyang naging pagdadalaga.

Kung ating matatandaan, noong unang lumabas at nakilala sa telebisyon si Ehla ay batang-bata pa ito, ngunit ngayon nga ay marami ang nakapansin na napakadalaga na nito, matapos nga niyang magbahagi ng kanyang glow-up photo sa kanyang Instagram account.

Tunay namang ikinamangha ng marami lalo na ng mga tagahanga ni Ehla ang mga larawan na kanyang ibinahagi, kung saan ay makikita ngang mula sa pagiging chubby na bata noon ngayon ay napaka-sexy na niya at dalagang-dalaga na talaga, mula sa pag-aayos hanggang sa pag-awra. Ang nasabing larawan na ito ni Ehla, ay yung nakasuot siya ng bikini na kinunan nga ng sila ng kanyang pamilya ay magbakasyon sa Bolinao, Pangasinan.

Nang minsang magkaroon ng panayam kay Ehla, ay kanya ngangnaibahagi, na nagsimula ang napakagandang pagbabago sa kanya noong kinailangan ngang manatili sa loob ng bahay dahil sa krisis. Napag-isipan niya umano na simulan ang pagdi-dyeta at pag-e-ehersisyo upang may pagka-abalahan lamang siya sa loob ng kanilang tahanan at hindi niya inakala na magiging maganda ang resulta nito.

Makikita nga sa ibinahaging bikini photo ni Ehla ang kagandahang resultang ginawa niyang pag-dyeta at pag-ehersisyo. Dahil din sa magandang resulta nito ay nakapagdagdag pa nga ito ng kumpyansa niya sa kanyang sarili.

Agad namang umani ng paghanga ang larawan na ito ni Ehla, at marami nga sa kanyang mga tagahanga ang hindi siya kaagad nakilala dahil sa napakaganda na niya at napakseksi ngayon. Nagsilbi din siyang inspirasyon para sa marami, lalo na sa mga taong hinahangad din ang pagkakaroon ng maganda seksi at malusog na pangangatawan.



Elha Nympha Pinamangha Ang Mga Netizens Sa Glow-Up Photo Ng Kanyang Pagdadalaga
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments