Nalalapit na ngang muli ang paglipad ng Pinay Iconic Superhero, at maririnig na nga nating muli ang magigig pagsigaw niya ng ‘Darna!’Ilang taon rin ang matuling lumipas na hind inga nagawan ng bersyon ang Pinay Iconic Superhero, kaya naman ng i-anunsyo ng ABS-CBN network na muli nilang bibigyang buhay ang ‘Darna’ sa henerasyon ngayon ay tunay na maraming mga manonood at tagahanga ng Pinay iconic superhero ang na-excite at inaabangan na ito.
Kung ating babalikan ay napakarami ng mga aktres ang nagbigay buhay sa karakter ni Darna, nariyan sina Eva Montes, Gina Pareňo Vilma Santos, Lorna Tolentino, Rio Locsin, Sharon Cuneta, Nanette Medved, Anjanette Abayari, Regine Velasquez, Angel Locsin at Marian Rivera.
Tunay na patok na patok sa mga Pinoy ang Pinay Iconic Superhero, dahil nga sa kanyang taglay na karakter na handang tumulong sa lahat ng nangangailangan lalo na ang mga taong nasa kapahamakan.
At sa bagong bersyon nga ng Darna ngayon na malapit ng umere sa telebisyon sa ilalim ng ABS-CBN network ay masaya nga nilang ibinahagi na ang Kapamilya actress na si Jane de Leon ang magbibigay buhay sa karakter ni ‘Narda’ o si Darna.
Marami nga sa mga tagahanga ng aktres ang nasiyahan sa balitang ito, at inaabangan nila ang maipapakitang husay at galing ni Jane sa pag-ganap niya bilang ang Pinay Iconic Superhero.
Samantala, nito lamang namang nakaraan, ay naging agaw-pansin ang cute na cute na anak ni Sample King Jhong Hilario na si Baby Sarina matapos nga nitong maging isang ‘little Darna’ ng magsuot ito ng darna costume at bibo na bibo na umawra sa harap ng kamera.
“DARNA tuloy na tuloy na talaga!
Directed by the one and only Chito Roňo. @sarinahilario @chitorono @officialdarna @imjanedeleon #sari #darna #chitorono”, ang naging saad ni Jhong sa larawan ni baby Sarina na naka-Darna costume ang suot.
Marami namang mga netizens ang agad na kinagiliwan ang napaka-cute na larawan ni Baby Sarina, at ang iba nga ay napansin pa ang pagiging bibo nito sa harap ng kamera.
Tunay namang proud na proud si Jhong sa pagiging Daddy niya sa kanyang cutie patootie.
Anak Ni Jhong Hilario Na Si Baby Sarina Nag Umapaw Sa Kakyutan Ng Mag-Little Darna Costume
Source: Viral Pinas News






0 Comments