Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Agaw Pansin Ngayon Ang Kagandahan Ng Unica Hija Ng Batikang Aktres Na Si Dawn Zulueta

Si Dawn Zulueta ay isa sa mga magagandang aktres sa industriya ng showbiz. Mula noon hanggang ngayon ay tunay na marami pa rin ang napapanganga sa kanyang taglay na kagandahan na tila nga hindi kumukupas.

At sa taglay nga na ito na kagandahan ni Dawn ay hindi kataka-takanna namana ito ng kanyang anak. Kamakailan nga lamang ay nag-viral ang mga larawan ng unica hija ni Dawn na si Ayisha Madlen Lagdameo dahil sa kagandahan nitong taglay na namana niya sa kanyang ina. Ang mister ni Dawn na si Antonio Lagdameo Jr., ang ama ni Ayisha na ngayon nga ay labing dalawang taong gulang na.

Kitang-kita sa mga larawan ni Ayisha na sa kanyang pagdadalaga ay mas lalo pang umuusbong ang kagandahan niya na minana nga niya sa kanyanv mga magulang.
Samantala, sa kabila ng pagiging isang sikat na aktres ni Dawn Zulueta ay naibahagi niya noon sa panayam ng Pep.Ph sa kanya na on-hand pa rin siya sa kanyang mga anak.

“Bukod sa meron kang mga bagong nilalang na dinadala dito sa mundo… I think ang the best din as a mom for me ay iyong makapag-raise ka ng mga bata that can be the best they can be”

Ibinahagi rin ni Dawn kung paano niya hina-handle ang mga anak lalo na pagdating sa pag-aaral ng mga ito na sa kabila ng pagiging mag-aaral ng mga ito ay kailangan pa din na may oras silang i-enjoy ang kanilang pagkabata kagaya ng paglalaro nila.

“When you got home [ from school ], the first thing you have to do after your snack is to do your assignment before playing.”
“Iyong…. It’s just a structure because you want to teach them later on na… These are habits”

Naitanong din nga ka Dawn na kung sakali bang magpasya ang kanyang mga anak na pasukin ang mundo ng showbiz at sundan ang kanyang yapak ay papayag ba siya? Narito naman ang kanyang naging kasagutan.

“Parang nakikita ko iyong aking daughter, si Ayisha, kasi siguro dahil palagi niya akong pinapanood na nagme-makeup, nag-aayos ng buhok.”
“Kasi you know, I work di ba?? Parang nai-imbibe na ata niya, so we’ll see.”

Dagdag na saad pa ni Dawn sa ngayon ay hindi niya pa talaga ine-encourage ang kanyang mga anak patungkol sa kung nais ng mga ito na pasukin ang showbiz dahil mas nais nga umano niya na magpokus ang mga ito sa pag-aaral.at makapagtapos.



Agaw Pansin Ngayon Ang Kagandahan Ng Unica Hija Ng Batikang Aktres Na Si Dawn Zulueta
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments