Napakarami na ngang mga vloggers ngayon, kung saan kahit mga sikat na artista ay pinasok na rin ang mundo ng vlogging, hindi lamang upang makapagbigay ng aliw sa mga tao kundi pati na rin ang makapagbigay inspirasyon sa marami.
Ang komedyanteng si Ethel Booba ay isa sa mga personalidad sa showbiz na pinasok na rin ang pagiging isang vlogger. Batid ng marami sa atin na isa sa mga daan upang maging matagumpay ang isang vlogger ay ang pagdami ng kanyang mga subscribers, kung kaya naman malaki ang pasasalamat ni Ethel ngayon, sapagkat siya nga ay mayroon ng isang milyong subscribers sa kanyang YouTube channel.
Ang pagkakaroon niya ng 1M subscribers ay hindi na rin naman kataka-taka, dahil talaga namang aliw at tuwa ang hatid niya sa mga tagasubaybay niya gamit ang kanyang mga kwelang pagapatawa at jokes.
Dahil sa matagumpay na pagkakaroon ni Ethel sa kanyang YouTube channel ng 1M na subscribers ay pinili nga niyang ipagdiwang ang sayang nararamdaman niya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng blessings sa iba.
Bilang pasasalamat nga ng komedyante sa natamo niyang tagumpay na ito at sa patuloy na pagbuhos ng mga biyaya sa kanyang pamilya ay pinili niyang mamahagi ng biyaya sa isang Aeta community.
Sinigurado ni Ethel na sa kabila ng biglaan ang kanyang naging pasinaya ay makapagbibigay sila ng kasiyahan sa ating mga katutubong Aeta, kung saan ay nagtulong-tulong nga sila ng kanyang mga kasamahan na mag-pack ng mga ibibigay sa mga ito kagaya na lamang ng delata, bigas at iba pa ngang makakain.
Suportado naman ni Chef Jessie, asawa ni Ethel ang maganda at mabuting gawain niya na ito.
Ayon naman kay Ethel, hindi nila ito ibinahagi upang magyabang, bagkus ay ang layunin nila ay ang makapagbigay ehemplo sa marami sa atin na maari tayong makatulong sa mga nangangailangan sa maliit o malaking pamamaraan.
“Maliit man na tulong is tulong pa din”, ang saad ni Ethel.
Maliban sa pamamahagi ng biyaya sa mga Aeta, ay naghanda rin ang grupo ni Ethel ng palaro para sa mga ito, kaya naman talagang makikita na labis na nasiyahan ang ating mga kababayan Aeta sa naging ganap na ito ng komedyante.
Maraming mga netizens namann ang nasiyahan sa ginawang ito ni Ethel at narito nga ang kanilang mga naging komento. “Hello ate Ethel!! Nai-inspire talaga ako sa buhay mo ngayon. Dati umiiyak kang nakikita kita dahil sa mga ex mong iniwan ka…
pero ngayon ang saya mo na… stay strong lang po kayo ni kua Jessie… bihira lang po sa lalaki ang ganyan… God bless your family ate”, ang naging saad ng isang netizens.
“Congrats! It’s heart-warming to see people like you sharing your gifts to our IP’s brothers and sisters! May you be continually blessed!”, ang sabi naman ng isa pa.
Aktres Na Si Ethel Booba Namigay Ng Ayuda Sa Isang Aeta Community
Source: Viral Pinas News




0 Comments