Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mavy Legaspi At Kyline Alcantara Mahigit Sa ‘Friendship’ Na Nga Ba Ang Relasyon

Kabilang sa mga hinahangaan at kinakikiligang tambalan ngayon sa telebisyon at mundo ng showbiz ay ang tambalan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Tunay nga namang sa taglay na ‘chemistry’ ng dalawa, ay marami ang kinikilig sa kanila.

Mas lalo namang nag-umapaw ang kilig ng kanilang mga tagahanga at tagasubaybay ng tila nga nagpapahiwatig na sina Mavy at Kyline ng tunay na namamagitan sa kanilang dalawa.
Hindi lamang nga sa harap ng kamera nagpapakita ng ‘sweetness’ sa isa’t isa sina Mavy at Kyline, dahil maging sa tunay na buhay, ay nagagawa nilang pakiligin ang isa’t isa, kung kaya naman ang kanilang mga tagahanga ay mas labis pa silang hinahangaan at kinakikiligan.

Sa kasalukuyan, ay kabilang ang tambalan nina Mavy at Cassie sa pinakabagong teleserye ngayon ng Kapuso network na “I Left My Heart in Sorsogon”, kung saan ito ay pinagbibidahan ng mga mahuhusay na artista na sina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis.

Samantala, nang magkaroon nga ng virtual media con para sa nasabing teleserye, ay isa nga sina Mavy at Cassie sa mga hindi nakaiwas sa mga maiinit na katanungan, at isa na rito ay ang patungkol sa tunay na estado ng relasyon nila.

“Siyempre… kami ni Kyline, matagal ng magkaibigan. Three years and siyempre, may mga feelings na nade-develop”, ang naging saad ni Mavy Legaspi. Dagdag pa niya, “Sa ngayon, for now, each and everyday nagle-level up ang relationship namin at tsaka yung bonding namin.”

Ibinahagi rin ni Mavy, na sila ni Kyline ay lagpas na sa ‘simpleng friendship’ ang relasyon, kaya naman talagang todo kilig ang tagahanga ng dalawa. Sa kabila naman na ngayon ay tila nawawala na ngayon sa marami anng konsepto ng ligawan, nanatili namang matatag ang paniniwala ng 20-taong gulang na aktor sa konseptong ito.

Kuwento nga ni Mavy, lumaki siya sa magandang pangarap ng kanyang mga magulang, kung saan ay pareho rin ang mga ito na naniniwala at pinahahalagahan ang konsepto ng ligawan.
“Ako ang rule talaga ni Mama at Papa sa akin, kung interested sa isang babae, iko-court ko talaga, so, I believe in that”, ani Mavy.

“Ako mismo ang nagko-court at si Kyline na mismo ang sumagot kung paano ako nagko-court”, dagdag pa ng aktor.
Tila naman sa naging kasagutan na ito ni Mavy ay na-corner si Kyline, kaya naman ipinasa sa kanya ang katanungan, sa kung paano nga ba manligaw ang binatang Legaspi.

“He’s really a gentleman. Super! Sa lahat ng nakilala ko, siya talaga ang pinaka-gentleman sa lahat ng iyon”, saad naman ni Kyline. Hindi man naging malinaw sa lahat kung ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon ngayon ng dalawa, ay isa lang ang sigurado ngayon ng marami at mga tagahanga ng dalawa, at ito nga ay sa kasalukuyan ay nasa ‘ligawan stage’ na ang dalawa.



Mavy Legaspi At Kyline Alcantara Mahigit Sa ‘Friendship’ Na Nga Ba Ang Relasyon
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments