Kung maraming couples ang naghiwalay sa taong 2021, bago naman matapos ang taong ito ay sinigurado ng batikang aktor at aktres na sina Edu Manzano at Cherrie Pie Picache na magkakaroon ng magandang twist ang taon para sa kanilang dalawa.
Sina Edu at Cherry Pie ay parehong nasa mundo ng industriya ng showbiz, ngunit sa kabila nito ay dumaan muna ang mahabang panahon upang mahanap nila ang isa’t isa. Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa atin, na parehong nagkaroon ng kani-kanilang mga ‘past relationships’, ngunit pareho rin itong nauwi sa hiwalayan.
Sa kasalukuyan nga ay kumpirmado na ang pagkakaroon ng relasyon nina Edu at Cherry Pie, at ang showbiz ang naging daan upang matagpuan nila at mahalin ang isa’t isa.
Magkasama ngayon sa teleseryeng “Marry Me, Marry You” ang dalawa, kung saan ay patuloy nilang ipinapamalas sa lahat ang kanilang husay at galing bilang mga batikang artista sa showbiz. Ang naging pagsasama rin nilang ito sa nasabing proyekto ang naging daan para magbukas ang puso nila sa isa’t isa na humantong nga sa pag-iibigan nilang dalawa.
Matatandaan na nagsimulang maging usap-usapan ang di umanoy pagkakaroon ng magandang pagtitinginan kina Edu at Cherry Pie, ng magbahagi ang aktres sa kanyang Instagram account ng mga larawan ng naging trip sa New York. Kasama ni Cherry Pie sa ilang mga larawan ang mga kasamahan niya sa proyektong kinabibilangan niya ngayon at iba pa ngang mga kapwa artista, kagaya na lamang nina Arci Munoz, Janine Gutierrez, Edu Manzano at marami pa ngang iba.
“Amazing and lovely moments in the city that never sleeps”, ang naging caption ni Cherry Pie sa kanyang naging IG post. Agad namang napansin ng marami sa bawat larawan ang pagiging kumportable sa isa’t isa nina Edu at Cherry Pie, kaya naman dito na nga umugong ang balitang tila may namuo ng relasyon sa pagitan ng dalawa.
Hindi lamang nga ang mga netizens ang nakapansin ng magandang pagtitinginan ng dalawa, dahil kahit sina Arci Munoz at Yam Concepcion ay may naging pahaging din sa comment section ng post ni Cherry Pie na may kasama pa ngan panunukso.
“Thanks for the great time tepie!! Kitakits sa LA![red heart emoji] @realadumanzano”, ang naging komento nga ni Arci. “@yamconcepcion Super!!! Thank you too!!! What? Pinapansin ka na?? warmest regards to hubby! See you soon again”,panunukso ni Yam.
Nito nga lamang ika-19 ng Nobyembre ng kumpirmahin ni Edu ang relasyon nila ni Cherry Pie. At matapos nga nito, ay talaga namag marami sa kanilang mga tagahanga ang ikinasaya ang balitang ito. Hangad din ng mga tagahanga nila ang kasiyahan para sa relasyon nilang dalawa.
Kumpirmado Na Ang Namamagitang Relasyon Nina Edu Manzano At Cherry Pie Picache
Source: Viral Pinas News






0 Comments