Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

‘Good Vibes’ Ang Naging Hatid Sa Mga Netizens Ng Christmas Tree Kim Chiu

Ngayon pa nga lamang ay damang-dama na ang papalapit na kapaskohan na ilang araw na nga lamang ay sasapit na. Marami na ngang mga Pinoy ang dama na ang diwa ng Pasko, ito ay dahil sa mga palamuti at dekorasyong pang Pasko na makikita na natin na naka-decorate sa loob at labas ng tahanan ng marami nating mga kababayan.

Isa sa mga talagang sumisimbolo sa diwa ng Pasko na tila naman hindi mawawala sa loob ng tahanan ng maramk tuwing nalalapit na ang pagsapit ng kapaskohan ay ang mga makukulay at maliliwanag na Christmas Tree.

Karamihan sa mga artista na ating sinusubaybayan ay talaga namang hindi nagpahuli sa paglalagay ng Christmas Tree sa loob ng kani-kanilang tahanan, kung saan ang iba nga sa kanila ay mismong sila ang nag-ayos ay nagsabit ng dekorasyon sa kani-kanilang Cristmas Tree.

Halimbawa na nga lamang nito ay Kapamilya actree at It’s Showtime host na si Kim Chiu, na kamakailan nga lamang ay ibinida ang kanynag Christmas Tree. Ipinakita din ng aktres, na siya mismo ang nag-ayos ay nag-decorate ng Christmass Tree niya.

Sa kanya ngang Instagram account ay ipinasili0 ni Kim ang Christmas Tree sa loob ng kanyang tahanan, at dahil sa ganda ng pagkaka-ayos ng mga dekorasyon nito at pagiging maliwanag dahil s amga ilaw nito ay ‘good vibes’ nga ang naging hatid nito sa maraming mga netizens.

Pagbabahagi ni Kim ang kanyang Christmas Tree ay may taas na 12-talampakan at siya nga mismo ang nag-ayos at nagdisenyo nito. Lingid sa kaalaman ng marami sa atin, taon-taon nga sa tuwing nalalapit na ang Pasko ay si Kim mismo ang nagdidisenyo ng kanynag sariling Christmas Tree.

Sa taon ngang ito ay mapapansin na ang tema ng Christmas Tree ni Kim ay ‘White Christmas’ dahil s amga palamuti nitong nakukulayan ng puti. Para pa kay Kim ang Christmas Tree niyang ito ay ‘Tree of Hope’. “2021 CHRISTMAS TREE REVEAL! Designed my own 12ft tree and I call it my Tree of Hope!!!”, ani Kim.

Samantala, sa isang bahagi ng vlog ni Kim ay kanyang ibinahagi sa mga tagasubaybay niya ang malalim na kahulugan ng kulay ng kanyang Christmas Tree. “White is the color of hope.. There is always hope in our pocket. So, lagi lang natin ‘yun bubunutin sa mga bulsa natin, ‘yung pag-asa dahil sabi nga nila , never loose hope”, saad nga ni Kim.

Maliban nga sa naging pagbibigay ideya ni Kim sa mga netizens kung paano pagagandahin at bibigyang kulay ang kanilang Christmas Tree ay naghatid din siya ng inspirasyon sa marami, na sa kabila ng mga dagok at pagsubok na pinagdaraanan ng marami sa atin ngayon ay hindi pa rin dapat tayo mawalan ng pag-asa sa buhay.

Narito naman nag ilang mga komento ng mga netizens sa naging Christmas Tree Reveal ni Kim.
“I was inspired by your story … Behind this Christmas Tree making.. kaya every year inaabangan ko talaga. Hope someday I’ll ne able to do that too. Pangarap natin mula pagkabata at kahit matanda na tayo iba yung saya ng pag-aayps ng sarili nating Christmas Tree. May hugot chereet. Alam mo yan hahaha.”

“I like your Christmas Tree sobrang ganda sa mata. At ang tinatamasa ng lahat A Tree of Hope na bawat isa ay hindi dapat mawalan ng pag-asa. Sobrang ganda ng naisip mo as always, sobrang worth it pagod mo sobrang ganda!”



‘Good Vibes’ Ang Naging Hatid Sa Mga Netizens Ng Christmas Tree Kim Chiu
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments