Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sulyapan Sa Mga Larawan Ang Maganda At Masayang Pamilya Ng Komedyanteng Si Ethel Booba

Isa sa mga nagbibigay aliw na komedyante sa maraming mga manonood si Ethel Booba. Talaga namang matatawa ang sinomang makakanood at makakarinig ng mga wit ni Ethel, mula sa kanyang mga quotable quotes at tirada.

Lingid naman sa kaalaman ng marami sa atin na sa kabila ng pagpapatawa at pagbibigay saya ni Ethel sa maraming mga manonood ay may mga pagkakataon din sa kanyang buhay na siya ang naghanap ng taong magpapasaya sa kanya, lalo na nga’t ilang beses na din siyang hindi pinalad sa mga naging dati niyang karelasyon.

Kaya naman hiling ng mga tagahanga ni Ethel na magkaroon ng masayang buhay pag-ibig at sarilil niyang pamiya ang komedyante, at ngayon nga ay tila ibinigay na ito ng Panginoon kay Ethel, dahil masaya ang kanyang buhay ngayon sa piling ng kanyang partner na si Jessie Salazar, isang chef.

Mas nakumpleto pa ang pagsasama nina Ethel at Jessie ng pagkalooban sila ng isang magandang sanggol na babae na si Baby Michaela Salazar, na kung tawagin nga ni Ethel ay ang kanyang little Booba.
Ginawan nina Ethel at Jessie ng Instagram account ang kanilang baby girl, at dito nga nila ibinabahagi ang mga cute na cute ng kanilang anak, na ngayon nga ay isa ng napaka-bibong bata.

Makikita rin sa mismong IG ni Mickaela ang mga masasaya at magagandang moments together niya sa kanyang mga magulang. Base din sa mga larawan, ay napakasaya naman talaga nina Ethel at Jessie dahil sa kakaibang kaligayahan na naibibigay sa kanila ng anak nila.

Hindi lamang nga sina Ethel at Jessie ang giliw na giliw sa kanilang anak, dahil maging ang mga netizens ay kinagigiliwan din ang napaka-cute at bibong si baby Michaela. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“Morning baby girl. Keep safe always together with your mom and dad.” “beautiful angel good morning, why so cute baby girl.” “Hello baby your so cute and adorable… God bless”

“Hi good morning cute cutie smart Michaela… Have a Blessed happy beautiful day to you and to your beautigul family. Take care and stay safe.. GOD Bless much.. We Love you..”
“Beautiful baby… God bless you always.”



Sulyapan Sa Mga Larawan Ang Maganda At Masayang Pamilya Ng Komedyanteng Si Ethel Booba
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments