Maliban sa pagkakaroon ng magandang bahay, maayos na trabaho ay isa rin siguro sa mga pinapangarap ng marami sa atin ay ang magkaroon ng magara at sariling sasakyan. Sino man sigurong tao, kung mabiyayaan ng kahit simpleng sasakyan ay masisisyahan na, at mas dodoble pa ang kasiyahan kung isa namang magarang sasakyan ang kanyang makakamtan.
Sa panahon ngayon, ay malaki ang naitutulong sa isang tao o pamilya ang pagkakaroon ng sariling sasakyan, lalo na nga’t hindi na kinakialangan pang makipagsiksikan sa mga pampasaherong pampublikong sasakyan kung ikaw man o iyong pamilya ay may pupuntahan o papasyalan. Mas kumportable ding magbyahe kapag ikaw ay nakasakay sa iyong sariling sasakyan.
Tila naman sa isang artista ay normal na ang pagkakaroon ng sarili nitong sasakyan, at hindi naman nakapagtataka na ang mga artista ay makabili ng sasakyan na maganda o mamahalin, lalo na nga kung sila ay sikat at talaga namang maraming proyekto.
Kagaya na lamang nga nito ay ang Kapuso Teen star na si Jillian Ward, na sa kabila ng kanyang murang edad na 16-taong gulang ay proud niyang ibinahagi kamakailan lamang ang pagkakaroo niya ng sarili niyang sasakyan na talaga namang bagong-bago at mamahalin.
Ipinagmamalaking ibinahagi ng dating child star at ngayon nga ay Kapuso teen star na si Jillian sa kanyang social media account ang kanyang larawan kung saan makikita ang naging pagbibida niya ng bago niyang sasakyan, at ito nga ay nilakipan niya ng caption na “My new baby car.”
Marami namang mga netizens at tagahanha ng young actress ang nagbigay ng samu’t saring mga komento at reaksyon sa naging pagbibida ni Jillian sa bago niyang sasakyan, at karamihan nga sa mga ito ay proud sa Kapuso teen star dahil sa mura ngang edad nito ay nakapagpundar na ito ng sarili niyang sasakyan.
Matatandaan na si Jillian Ward ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang isang dating child star na napanood nga natin sa teleserye ng Kapuso channel na ‘Trudis Liit’. Maliban pa sa pagiging young actress ni Jillian, ay marami din siyang nga commercials at nagmomodelo din siya. May angking husya din sa pag-awit si Jillian kaya naman talagang marami ang humahanga sa kanya at mahal na mahal siya ng kanyang mga taga suporta.
Kapuso Teen Star Jillian Ward Nakabili Ng Sasakyang BMW Sa Edad Niyang 16-Taong Gulang
Source: Viral Pinas News






0 Comments