Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sunshine Garcia Ipinakilala sa Publiko Ang Napaka-Cute At Malusog Niyang New Born Baby Boy

Kamakailan lamang ay muling nabiyayaan ng bagong sanggol ang mag-asawang sina Sunshine Garcia at Alex Castro, ito nga ay matapos na maayos na maisilang ni Sunshine ang ikalawang anak nila ng asawa, kung saan ito nga ay isa na namang baby boy.

Agad namang naging updated ang mga kapamilya ng mag-asawa patungkol sa naging pagdating ng bagong ‘bundle of joy’ ng mga ito sa kanilang pamilya, at siyempre hindi rin naman nagpahuli ang mga netizens sa pagsubaybay sa news feed at social media ng mag-asawag Sunshine at Alex para nga sa magiging bagong update ng mga ito sa pagdating ng bagong blessings sa kanilang pagsasama.

Base sa ilang mga ulat, tinawag ng mag-asawang Sunshine at Alex na baby Alexander ang kanilang ikalawang anak. Kitang-kita rin ang kasiyahan kay Alex sa ibinahagi niyang larawan kung saan karga niya si baby Alexander.

Ipinagpasalamat din niya ang naging ligtas na pagsilang ni Sunshine sa kanilang anak, at ang malusog na kalusugan ni baby Alexander ng ito nga ay nailuwal na.

Makikita rin sa IG post ni Sunshine, ang naging pagpapakilala niya sa publiko ng ikalawang anak nila ng kanyang asawa, kung saan ay isinaad nga niya ang katagang, “Our Baby Alexander.”

Ikinasaya naman ng mga celebrity friend ng mag-asawa ang napakaganda ngang balita na ito, kung saan ilan nga sa kanila ay nagbahagi ng kanilang ‘excitement’ na masilayan na ang napaka-cute na baby boy.

Ilan nga sa mga celebrity na nagbigay ng komento ay sina Kaye Abad, MJ Lastimoso, Pokwang at Chynna Ortaleza.
Nagpaabot rin ng kanilang pagbati para sa mag-asawa ang mga netizens. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizes.

“Congrats to both of you, lalo na kay Sir Alex Castro ang bagong mukha ng Bulakan”
“Sana mas madami pang baby ang dumating sa inyo Lodi.. Good health sa baby niyo.”
“congrats sana magkaroon pa kayo ng maraming baby pareho kasi kayong pogi at maganda.”

“Cute, congratulations, welcome to the world baby.” Gaya ng alam nating lahat ay isang masayahin na tao si Sunshine, kaya naman hindi na nakapagtataka na napakarami niyang mga kaibigan na nagmamahal sa kanya at pamilya niya. Siya nga ay mas minahal pa ng marami ng mapabilang siya sa programang ‘Banana Split.’



Sunshine Garcia Ipinakilala sa Publiko Ang Napaka-Cute At Malusog Niyang New Born Baby Boy
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments