Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Anne Curtis Ipinasilip Kung Gaano Nag-Enjoy Ang Anak Sa First Snow Experience

Kapag nalalapit na nga ang kapaskohan ay nararamdaman na natin ang malamig na simoy ng hangin dito sa Pilipinas, ngunit sa ibang bansa ay nakakaranas naman sila ng pag-ulan ng snow.
Marami sa atin ang bata pa lamang ay pinapangarap na nga ang makaranas na makakita ng snow ngunit dahil tayo ay nasa bansang Pilipinas at iba ang klima rito ay malabo ngang umulan ng snow.

Kaya naman talagang marami sa atin ang na-eenganyo sa snow ay dahil na rin sa mga palabas na kadalasan nating napapanood. Nakikita natin sa mga palabas ang mga taong enjoy na enjoy na naglalaro sa snow, kung kaya nais rin ng iba sa atin na maranasan ang kasiyahan na ito.

Sa buong mundo ay ilang mga bansa nga ang nakakaranas ng pag-ulan ng snow, kagaya na lamang ng Canada, America, Antartica, France at iba pa. Dito sa Pilipinas ay malabo ang pag-ulan ng snow o nyebe sa tagalog ito nga ay dahil sa pagkakaroon ng mainit na klima sa bansa.

Samantala, kung ang pag-uusapan ay snow, ang anak na ni Anne Curtis na si Baby Dahlia ay isa sa mga mswerte ng nakaranas na makasaksi ng pag-ulan ng snow, kung saan kamakailan nga lamang ay ibinahagi ng Kapamilya actress sa kanyang socmed account ang larawan ng kanyang anak na masayang naglalaro sa snow.

Makikita sa Instagram post ni Anne ang larawan ng anak niyang si Baby Dahlia na bakas ang enjoyment sa kanyang naging 1st snow experience sa bansang France.
“In the gorgeous capitale de noel, Strasbourg no less. Couldn’t miss this moment to give a nod to one of my favorite soundtracks by one of my favorite composers @dannyelfman”, ang naging caption ni Anne sa kanyang IG post.

Ibinahagi rin ni Anne ang pasasalamat niya sa kanyang asawang si Erwan Heussaff na ayon sa kanya ay ito nga ang kumuha ng mga magagandang larawan at video nila ng kanilang anak ng mga sandaling iyon na sila ay namamasyal sa isang napakagandang lugar.

Hindi na bago sa mag-asawang Anne at Erwan ang makakita ng snow sapagkat batid natin na ang mag-asawa ay parehong may lahing banyaga at naranasan na ngang manirahan sa bansa na umuulan ng snow.



Anne Curtis Ipinasilip Kung Gaano Nag-Enjoy Ang Anak Sa First Snow Experience
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments