Tunay na marami ang humahanga sa hunk actor na si Wendell Ramos. Ang kanyang taglay na kagwapuhan at karisma ay talaga namang kinakikiligan na at pinapantasya ng marami niyang mga tagahanga noon hanggang ngayon.
Samantala maliban sa pagiging isang mahusay na aktor, ay isang mapagmahal na ama rin si Wendell sa kanyang mga anak. Sa katunayan, noon lamang buwan ng Oktubre ay isinilang ng kanyang asawang si Kukai Guevarra ang bagong ‘bundle of joy’ nila.
Ligtas nga na isinilang ni Kukai ang kanilang baby girl ni Wendell noong ika-27 ng Oktubre taong 2021, at masaya nga nila itong i-winelcome bilang bagong miyembro ng kanilang pamilya.
Sa pagdating naman ng kanyang bagong baby girl, ay lubos ang naging pasasalamat ni Wendell lalo na’t parehong ligtas at maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina.
“Thank you Heavenly Father God, for blessing us and keeping my wife and our baby girl “koikoi” safe”, ang naging mensahe ng aktor sa kanyang social media post. Hindi naman kaagad nasilayan ni Wendell ang kanyang bagong silang na anak na tinawag nga niyang si ‘Koikoi’ dahil ng magsilang ang kanyang asawa ay kasalukuyan nga siyang nasa lock-in taping.
Hindi naman maitago ni Wendell ang kanyang excitement na makita na ng personal ang kanyang bagong silang na anak, lalo na nga ng ito ay makita niya virtually ng sila ng kanyang asawang si Kukai ay mag-video call.
“Pasensya na anak, work muna si Dada. I’ll see you soon”, saad ni Wendell.
Ayon naman sa aktor, napaka-blessed niya, dahil sa kabila ng wala siya sa tabi ng kanyang asawa ng ito ay magsilang ay naging kaagapay naman niya ang kanyang mga kaanak na tumulong at sumama nga kay Kukai ng ito ay nanganak.
Tunay namang napakabilis ng panahon, dahil parang kailan lang ng maisilang ni Kukai ang baby girl nila ni Wendell at kamakailan nga lamang ay tumuntong na ang kanilang sanggol sa ika-1 buwang kaarawan nito.
“Happy 1 month old baby koikoi @maddiekoiramos we love you my precious. I’ll see you soon bunso #ourblessing #thankyoulordforeverything”, ani ni Wendell.
Maraming mga netizens naman ang nagpa-abot ng kanilang pagbati para sa napaka-cute na baby girl ni Wendell.
“Happy one month old baby … You are so adorable” “So cute, baby girl … happy 1st month.. baby”
“Congrat’s ser god bless you and your family always” “Ang cute parang ako aww hahahhaa”
Bunsong Anak ni Wendell Ramos Labis Na Kinagigiliwan Ng MGa Netizens
Source: Viral Pinas News





0 Comments