Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mag-asawang Camille Prats At VJ Yambao Masayang Nagdiwang Ng Kanilang 9th Wedding Anniversary

Noong ika-1 ng Disyembre taong 2020 ay masayang ipinagdiwang ng mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao ang kanilang ika-9 th wedding anniversary sa pamamagitan ng isang romantic dinner.
Sa kani-kanilang Instagram account ay nagbahagi ang mag-asawa ng mga larawan nila sa kanilang naging dinner date. At talaga namang sa bawat larawan ay masisilayan ang ‘sweetness’ nilang dalawa, dahil sa tamis ng tinginan nila. Siyempre mas lalo pa ngang nangibabaw ang pagmamahal nina Camille at VJ ng sila ay magyakap at kiss sa isa’t isa.

Ang Tv host at former child star na si Camille Prats ay kilala bilang isang sopistakadang babae, kaya naman tunay na napakaganda niya sa naging dinner date nila ng kanyang asawa sa suot niyang elegant white dress na pasok sa pagiging stylish at fashionable.

Makikita rin sa ilang larawan na maliban sa kanilang masayang dinner date, ay nagbigay ngiti rin kay Camille ang handog sa kanya na malaking red rose bouquet ng asawa niyang si VJ. Ang red rose bouquet nga na ito ay mas malaki pa sa karaniwang mga bouquet na nakikita natin sa mga flower shop.
“9 years later. Still Unpretesious, always authentic and just simple being me when I’m with you”, ang naing saad ni Camille sa kanyang IG post.

Dagdag pa niya, “9 years came by so easy my love. Can’t wait to see the adventures well take together as we grow deeper in faith and closer to the One who made our paths meet. This one’s definitely You.”
Sa kabilang banda, may matamis na mensahe rin ang mister ni Camille na si VJ para sa kanya kung saan ay tinawag pa nga siya nitong “Queen” ng kanyang buhay.

“Trust in your Queen. She makes moves the King can’t. Happy anniversary my love! Grateful for 9 solid years together and still counting, excited to see what He has in store for us, let’s cling to the One who is in control.”

Ang pamilya Prats at Yambao ay parehong nasa linya ng pagnenegosyo, at matatandaan nga na sina Camille at VJ ay ikinasal noong taong 2017 sa isang resort sa Batangas na ang mismong nagmamay-ari ay pamilya Prats.



Mag-asawang Camille Prats At VJ Yambao Masayang Nagdiwang Ng Kanilang 9th Wedding Anniversary
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments