Sa latest social media post ng aktor na si Marvin Agustin ay nagbalik tanaw siya sa kanyang kabataan, kung saan ay ibinahagi niya ang mga larawan niya noong 90’s.
Si Marvin ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isang ‘teen star’, ang una niyang naging debut show ay ang ‘Gimik’, na talaga namang tumagal ng 3 taon sa telebisyon, dahil ito ay nagsimulang umere noong taong 1996 hanggang 1999.
Dahil sa kanyang husay sa pag-arte at taglay na karisma ay talaga namang isa siya sa mga successful actors ng kanyang henerasyon. Lingid sa kaalaman ng marami na bago pa man narating ni Marvin ang tagumpay sa kanyang buhay at pagkakaroon ng maganda karera bilang isang aktor, ay nagtatrabaho lamang siya noon sa isang restaurant. At sa lahat nga ng kanyang nakamit ngayon sa buhay niya ay talagang matagumpay na siya.
Makikita sa latest post ni Marvin sa kanyang socmed ang naging pagbabalik-tanaw niya noong mga panahon na nagsisimula pa lamang siya sa pag-aartista.
Ibinahagi niya ang mga larawan na kuha pa noong dekeda 90, at ilan nga sa mga ito ay masisilayan ang mga artista na halos kasabayan niya kagaya na lamang ng mga naging cast ng Gimik na sina Judy Ann Santos, Diether Ocampo, Mylene Dizon, at ang namaalam na nga na aktor na si Rico Yan. Kasama rin sa nasabing larawan ang ilang mga staff at crew ng Gimik.
“Mga 90’s look….. check GIMIK barkada at the end in our Baguio shoot, keep swiping. Ano favorite mong 90’s show? #batang90s #gimik #whatamen”, ang naging saad ng aktor sa kanyang caption.
Sa kasalukuyan ay hindi na nga lamang isang aktor si Marvin, dahil mula nga sa pagiging isang matinee idol noon ay isa na rin siyang negosyante ngayon. Siya ay nagmamay-ari na ngayon ng ilang mga restaurant na matatagpuan sa iba’t ibang mga lugar.
Hindi lang din ang husay niya sa pag-arte ang hahangaan sa kanya, dahil magaling rin siya sa pagluto ng masasarap na pagkain. Sa katunayan ay isa na ring chef si Marvin, dahil nag-aral siya ng culinary arts sa International School for Culinary Arts and Hotel Management noong 2004.
Marvin Agustin Ibinahagi Ang Mga Larawan Noong Panahon Ng Kanilang Kakisigan
Source: Viral Pinas News






0 Comments