Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Paolo Ballesteros Proud Dad Sa Kanyang Unica Hija Na Nakakuha Ng 1st Honor Sa Klase

Dahil sa ipinamalas ng kanyang unica hija, ay talaga namang proud na proud daddy ngayon ang TV host comedian na si Paolo Ballesteros sa anak niya. Masayang ibinahagi ni Paolo sa kanyang Instagram account ang katalinuhan na ipinamalas ng kanyang anak na si Keira sa pag-aaral nito, dahil sa nakakuha ito ng 1st honorable mention.

“GOOD MORNENG! Flex ko lang yung 1st honor kong junakiz i love you anak berigood”, ang naging saad ni Paolo sa kanyang IG post. Kalakip nga ng caption ni Paolo ay ang pagpapakita niya ng larawan kung saan ay masisilayan ang mataas na marka na nakuha ng kanyang anak dahil sa pagiging mahusay nito sa klase. Makikita nga na ang nakuhang marka ng anak ni Paolo na si Keira ay nasa 93.4417, na talaga namang mataas na.

Makikita naman sa comment section ng post na ito ni Paolo ang pagbuhos ng ‘congratulatory message’ mula sa kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz na bumilib din sa katalinuhan ng anak niyang si Keira. Kabilang sa mga kaibigan ni Paolo sa showbiz na nagbigay ng kanilang komento ay sina Ciara Sotto, Maja Salvador, Danica Pingris, Pokwang at Ryan Agoncillo.

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na naging proud si Paolo sa achievement ng anak niyang si Keira. Dahil noong nakaraang buwan ng Mayo ay kanya ring ibinahagi na third honor ang nakuha ng kanyang anak. ibinahagi nga niya ito sa kanyang Instagram account, kalakip ang larawan ng anak niyang si Keira kung saan ito ay nakasuot ng toga.

“Congrats anak! I love you berigood”, ang naging saad ni Paolo sa IG post niyang ito.
Maliban pa dito, ay nagbahagi rin ang TV host comedian ng larawan ng anak niyang si Keira kung saan ay makikita na sinusuotan ito ng medalya ng kanyang mommy, at sa screen ay makikita ang pangala ng kanyang anak na may nakasaad nga na ito ay “third honor”.

Sa mga achievement na ito ni Keira sa kanyang pag-aaral, ay masasabi nga natin na hindi lamang basta magandang data ang anak ni Paolo Ballesteros, kundi may angkin din itong katalinuhan, ‘beauty and brain’ ika nga.



Paolo Ballesteros Proud Dad Sa Kanyang Unica Hija Na Nakakuha Ng 1st Honor Sa Klase
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments