Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kilalanin Ang Pitong Anak Na Babae Ni Nadia Montenegro Na Nagmana Sa Kagandahan

Sa mundo ng showbiz, isa ang pangalan ni Nadia Montenegro sa ating nakilala at hinangaan. Maraming mga mga pelikula at shows ang kanyang kinabilangan, kung saan ang madalas nga niyang nagiging karakter sa mga pelikula ay ang pagiging isang mabuti at mapagmahal na ina.

Hindi naman ito nalalayo sa tunay ng buhay ng aktres, sapagkat isa rin siyang mapagmahal, butihin at responsableng ina sa kanyang mga anak.

Biniyayaan ng walong anak si Nadia, kung saan isa rito ay lalaki na siya ngang unico hijo ng kanilang pamilya, at ang pito naman ay panay babae na tulad niya ay may angking talino at kagandahan ding taglay. Magkaka-iba man ang personalidad ng kanyang mga anak na babae,

lahat naman ng ito ay may mapagmahal na puso tulad ng kanilang ina. Narito nga at Kilalanin natin ang pitong nagagandahang anak na babae ni Nadia Montengro.

1. Alyssa Asistio

Siya ang pinakapanganay na anak na babae ni Nadia, na talaga namang biniyayaan ng ganda at talino. Nabalita na siya ay nagtapos ng kursong Dentistry sa Centro Escolar University.

2. Alynna Asistio

Ikalawa siya sa mga anak na babae ni Nadia, at kilala bilang si “Ynna Asistio”. Siya ay ipinanganak noong taong 1991 at tulad ng kanyang ina ay pinasok rin niya ang mundo ng showbiz. Naging Kapuso actress siya at nagkaroon ng mga roles sa iba’t ibang mga palabas ng Kapuso network, kagaya na lamang ng ‘Mga Mata ni Anghelita’, ‘La Vendetta’ at marami pang iba.

3. Alyana Asistio

Si Alyana o mas kilala bilang Yana Asistio ay ang ikatlong anak na babae ni Nadia. Isa rin siyang aktres ng GMA-7, ngunit noon ay napanood natin siya sa mga palabas na ‘She’s Dating the Gangster’, ‘Everyday I Love You’ at ‘Mamas Girl’.

4. Anykka Asistio

Pangarap niya ang maging isang abogada, at siya ang pang-apat na anak na babae ni Nadia.

5. Samantha Asistio

Isa siyang aspiring singer, at ayon sa ulat, minsan na siyang sumali sa blind auditions ng The Voice Philippines sa ABS-CBN network.

6. Ayisha Asistio

Kabilang si Ayisha sa mga kabataan ngayon na talaga namang kinahuhumalingan ang Kpop, kagaya na nga lamang ng mga boy band group, tulad ng BTS.

7. Sophia Asistio

Siya ang pinakabunsong anak ni Nadia, at dahil sa kanyang taglay na personalidad ay ‘mature at brave’ kung ilarawan siya ng kanyang ina. Mahilig din siya sa mga Kpop.



Kilalanin Ang Pitong Anak Na Babae Ni Nadia Montenegro Na Nagmana Sa Kagandahan
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments