Ilang taon na rin ang matuling lumipas ng ang sikat na Hollywood actor na si Paul Walker ay mamaalam na sa mundong ibabaw, kung saan sa naging pagpanaw nga niya ay kanyang naulila ang noon ay dalagita na niyang anak na si Meadow Walker.
Matatandaan na ang mahusay at sikat na aktor sa Hollywood na si Paul ay binawian ng buhay noong taong 2013 matapos niyang maaksidente sa isang car crash, habang nasa kalagitnaan ng paggawa ng top hit movie nilang “Furious 7.”
Samantala, sa kabila nga ng naging pagkawala ng kanyang ama, ay nagpatuloy ang buhay ni Meadow Walker, kung kaya naman ngayon ay magsisimula na rin siyang bumuo ng kanyang sariling pamilya. Mula nga sa pagiging isang dalagita, kamakailan nga lamang ay ikinasal na si Meadow sa kanyang fiancée na si Louis Thorton-Allan.
g minamahal na ama, ay tumayo namang pangalawang ama ni Meadow ang matalik na kaibigan ng kanyang ama na si Vin Diesel, isa rin sa mga sikat na Hollywood actor.
At maging sa pinaka-espesyal na araw sa buhay ni Meadow ay hindi nawala sa kanyang tabi ang tumayong pangalawang ama niya, sapagkat ang ‘Fast & Furious’ star ang naghatid sa kanya sa altar at tumayo nga niyang ama sa araw ng kanyang kasal bilang presensya ng pumanaw na niyang amang si Paul.
Makikita naman sa mismong Instagram account ni Meadow ang pagbabahagi niya ng ilang mga larawan na kuha sa kanyang kasal, at masisilayan nga ang isang larawan kung saan siya nga ay akay-akay ni Vin Diesel sa paglalakad patungo sa altar. Ang post nga na ito ni Meadow ay nilakipan niya pa ng caption na “Ayoooh”. Ayon din sa mga lumabas na ulat, ay isa rin si Vin Diesel sa mga ninong ng bagong kasal.
Hindi man nga nasaksihan ng pumanaw ng si Paul Walker ang espesyal na pangyayaring ito sa buhay ng kanyang anak na si Meadow, ay sigurado namang masaya pa rin ang dating sikat na Hollywood actor kung nasaan man siya ngayon, sapagkat batid niya na ang kanyang matalik na kaibigan na si Vin Diesel ay mananatiling nakaagapay sa kanyang naiwang anak.
Sa ibang larawan naman na ibinahagi ni Meadow ay makikita ang kanyang kagandahan habang nakasuot ng goww, habang masayang nakangiti kasama ang kanyang kabiyak na ngayon sa buhay na si Louis.
Vin Diesel Ang Tumayong Ama Sa Kasal Ng Anak Ng Matalik Na Kaibigang Si Paul Walker
Source: Viral Pinas News







0 Comments