Tunay namang kapag Holiday Season o sa tuwing ipinagdiriwang nga natin ang araw ng Pasko at pagsapit ng Bagong Taon ay napakasaya kung kumpleto at buo ang ating pamilya. Kaya naman ang espesyal na araw na mga ito ay talagang sinusulit ng bawat pamilya at pinupuno nga ito ng masasayang ala-ala.
Kung kaya naman ang celebrity couple na sina Charlene Gonzales at Aga Muhlach ay hindi rin pinalampas ang pagkakataon na makasama ang isa sa kanilang kambal na anak noong araw ng Pasko.
Batid naman natin na ang kambal na anak ng celebrity couple na sina Andres at Atasha ay sa magkaibang bansa nag-aaral ng kolehiyo kaya naman malayo sila sa piling ng kanilang mga magulang.
At upang makasama nga ng mag-asawang Charle at Aga ang anak nilang si Andres noong Pasko, ay lumipad ang mga ito patungong Amerika, kaya naman sa naibsan din ang kanilang pagka-miss sa isa sa kanilang kambal na anak.
Noong ika-27 ng Disyembre ay makikita sa Instagram ni Charlene ang pagbabahagi niya ng mga larawan nila ng asawa niyang si Aga at anak nilang si Andres. Makikita ang naging masayang family dinner nila sa Picasso, isang two-star Michelin restaurant na matatagpuan sa Las Vegas, Nevada.
Hindi man nakasama ng mag-asawa ang isa sa kanilang kambal na anak na si Atasha, ay hindi naman nila nakalimutan na ihayag kung gaano na nila ito nami-miss. “Christmas date with my boys… @agamuhlach317 & Andres @aagupy missing you @atashamuhlach”, saad nga ni Charlen sa kanyang Ig post.
Sa isang hiwalay na IG post naman ay nagbahagi rin ng isang nakakaantig at taos-pusong mensahe rin si Charlene para sa anak niyang si Andres, at kalakip pa nito ay ang kanilang sweet photo ng kanyang anak.
“You get taller and taller every time I see you.. I’m a happy mommy to be able to spend Christmas with you Andres @aagupy”, ani Charlene.
Dagdag pa niya rito ay ang mensahe naman sa anak niyang si Atasha na plano nga din nilang bisitahin pagkalampas ng New Year. “Missing you @atashamuhlach… wish you were here… See you after the New Year… love you both dearly @agamuhlach317.”
Ayon naman sa ilang lumabas na ulat, bago ang naging masayang pakikipagtagpo ng mag-asawang Charlene at Aga sa kanilang anak na si Andres, ay nagkaroon muna ng bonding time ang celebrity couple, ito nga ay ng magkasama silang manood ng basketball games sa Staples Center sa Los Angeles, California.
Charlene Gonzales At Aga Muhlach Binisita Ang Anak Nilang Si Andres Na Nag-Aaral Sa Ibang Bansa
Source: Viral Pinas News






0 Comments