Isa sa mga kid’s internet sensation ngayon na talaga namang hinahangaan ng marami dahil sa kanyang taglay na kakyutan, karisma, kabibohan at katalinuhan ay ang napaka-cute na anak ng mag-asawang Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto na si Talitha Sotto o mas nakilala ng publiko bilang si Baby Tali.
Madalas na ibinabahagi ng ina ni Baby Tali na si Pauleen Luna sa social media ang kagili-giliw na talento at kabibohan ng kanyang anak. Sa murang edad nga ni Baby Tali ay kinakitaan na siya ng taglay na katalinuhan lalo pa’t kinahiligan niya ang pagbabasa ng mga educational books.
Maliban pa nga sa pagbabasa ay may angking husay rin si Baby Tali pagdating sa pag-awit, kung saan madalas nga silang magkantahan ng kanyang Mommy Pauleen at ito nga ang nagiging mother-daughter bonding nila.
Samantala, tila nga hindi lang ang pagkanta ang madalas na maging bonding ng mag-inang Pauleen at Tali, dahil maliban pa nga rito ay madalas din palang mag-bonding ang dalawa pagdating sa pagkuha ng mga cute at adorables photos nilang mag-ina.
Sa Instagram account ni Pauleen ay kanyang ibinahagi kamakailan lamang ang cute na larawan nila ng kanyang anak na si Tali habang sinusubukan nila ang magpakuha ng jump shots. Makikita sa unang larawan na ibinahagi ni Pauleen ang maayos na posisyon nila ni Tali kung saan ay parehas pa nga silang dalawa na may malalaking ngiti sa kanilang mga labi.
Ngunit sa sumunod ngang larawan, ay dito na kinagiliwan ng mga netizens si Tali. Ito nga ay matapos nilang mapansin ang nakakatuwang reaksyon ni Tali sa naging jump shots ng kanyang Mommy Pauleen. Napaka-cute ngang tingnan ni Baby Tali, lalo na’t tila ang naging pagkakatingin niya sa kanyang Mommy na si Pauleen, ay tila nagsasabi na ‘Mommy wait mo naman ako.’
Maraming mga netizens naman ang talagang natuwa sa napaka-cute na reaksyon ni Baby Tali. Ang iba ngang mga netizens ay ibinahagi ang kanilang mga komento, kung saan nagsasabing tunay na nagbigay ng tuwa sa kanila ang reaksyon ni Baby Tali sa naging pag-jump shot ng kanyang Mommy Pauleen.
Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;
“Yung last pic ang nagdala… Nagbuwelo pa lamang si Bachuchi eh.” “ang kulit ni Tali sa last photo haha sabi niya Mommy wait mo naman ako.” “Haahaha sama ng loob, naiwan siya.. di napasama sa ere… kaaliw ka talaga talibanana para kang daddy mo sa pagka-comedy.”
“Napatingin na lang si Tali kay mommy.. di kinaya ang power niya.”
Sulyapan Ang Napaka-Cute Na Reaksyon Ni Baby Tali Sa Ginawa Nilang Jumpshot Ni Mommy Pauleen
Source: Viral Pinas News





0 Comments