Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Dimples Romana Nagbakasyon Sa El Nido Palawan Kasama Ang Pamilya

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na ang trabaho ng isang artista ay tunay namang napaka-busy lalo na nga kung may proyekto kanga ginagawa. Kaya naman nang magkaroon ng maikling break, noong holiday season, ay hindi ito pinalampas ng ilan nating mga celebrity, at sinulit nga ito upang makasama ang kanilang pamilya sa pagbabaksyon.

Halimbawa na nga lamang nito ay ang hinahangaang Kapamilya actress na si Dimples Romana, matapos ang kanilang matagumpay na shooting sa kinabibilangan niyang serye na ‘Viral Scandal’ ay agad na nagbakasyon ang aktres kasama ang kanyang pamilya.

Sa kabila nga ng abalang showbiz career ni Dimples ay kanyang sinigurado na sa panahon ng kapaskohan ay makakasama niya ang kanyang pamilya, kung kaya naman noon ng magkaroon nga ng break ay agad na lumipad patungong El Nido, Palawan ang aktres kasama ang kanyang asawang si Boyet Ahmee at ang kanilang dalawang anak na sina Callie at Alonzo.

Makikita sa Instagram account ni Dimples ang kanyang naging pagpapasilip ng naging masayang beach trip ng kanyang pamilya sa El Nido. Sa ibinahagi nga niyang larawan ay masisilayan kung gaano ka-enjoy ang kanyang pamilya sa pagbababad sa napakagandang white beach ng Palawan.

Tila naman nagkaroon ng mini-beach photoshoot ang Kapamilya actress, at ito nga ay makikita sa isang serye ng ibinahagi niyang mga larawan. Kapansin-pansin ang saya at glow ng aktres habang nakangiti sa harap ng kamera suot ang kanyang white dress.

Pinahanga naman ng aktres sa isa niyang hiwalay na post ang kanyang El Nido-Tan skin.
“El Nido tan. Haven’t been this golden in a while… bagay naman?, ang caption ni Dimples sa kanyang larawan na tila nga tinatanong ang kanyang mga fans.

Siyempre hindi naman nawala sa mga ibinahaging larawan ng aktres ang mother-daughter bonding nila ng kanyang panganay na anak na si Callie, na kamakailan nga lamang ay nagdiwang na ng ika-18 taong gulang na kaarawan at kasalukuyang nag-aaral ngayon sa kolehiyo para maging isang piloto.
“Day well spent in PARADISE”, ang naging caption naman ng aktres sa mga larawan nila ng kanyang panganay na anak.

Maliban pa sa paliligo sa dagat, ay namasyal din si Dimples at kanyang pamilya sa iba pang mga magagandang lugar sa El Nido Palawan, kung saan ay hindi nga napigilan ng bunsong anak ng aktres na si Alonzo ang mamangha ng ito ay makakita ng isang napakagandang lagoon.

Ayon naman sa mga lumabas na ulat, kasama ni Dimples at ng kanyang pamilya ang kanyang co-star sa Viral Scandal na si Charlie Dizon, na naging malapit nga sa kanya nang gumanap ito bilang anak niya sa nabanggit na teleserye.



Dimples Romana Nagbakasyon Sa El Nido Palawan Kasama Ang Pamilya
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments