Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Iya Villania At Drew Arellano Mayroon Ng Baby Number 4 Ngayong Taong 2022

Karamihan sa atin ay panalangin na sa bagong taong 2022 na ating sasalubungin ay mas marami pa ngang biyaya, oportunidad at magagandang pangyayari sa ating buhay ang dumating. Ngunit may iba nga na bago pa man salubungin ang bagong taon, ay agad ng nakatanggap ng biyaya na labis nga nilang ipinagpapasalamat sa Panginoon. Isa na nga sa mga ito ay ang mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano.

Ngayong bagong taon nga ay punong-puno ng biyaya ang pamilya Arellano nina Iya at Drew, at ang pinaka-ipinagpapasalamat nga nila sa lahat ay ang hindi nila inaasahang biyaya na magbibigay ng kasiyahan hindi lang sa kanilang mag-asawa kundi sa buo nilang pamilya.

Ang biyaya ngang ito na nagbigay ng labis na kasiyahan sa mag-asawang Iya at Drew at maging sa kanilang buong pamilya, ay ang pagbibigay muli sa kanila ng Poong Maykapal ng isang anghel, sapagkat ngayong taong 2022 nga ay inaasahan na ng lahat ang magiging pagsilang ni Iya sa kanilang magiging ika-apat na baby ni Drew.

Unang ibinahagi ni Iya ang magandang balita na ito sa kinabibilangan niyang programa na “Mars Pa More” kung saan ay kanyang kasama sina Camille Prats at Kuya Kim Atienza. Isang big ‘Yes’ nga ang naging kasagutan ni Iya matapos ang ginawang ‘Tarantanong’ sa kanya ng kanyang Mareng Camille upang kumpirmahin nga kung tunay bang magiging ate na ang ikatatlong anak nila ni Drew na si baby Alana.

Masaya ring ibinahagi ni Iya sa mga katrabaho niya sa 24-Oras ang magandang biyaya nga na ito na dumating sa kanilang pamilya. Inihayag din niya ang kanyang damdamin tungkol sa magkakasunod na blessings na dumarating sa kanilang mag-asawa.

“Akala ko dahil naka-babae na kami, akala ko okay na kami but you know, when we watch the three of them playing, parang sabi namin, ‘Ang saya nila panoorin.Dagdagan pa natin ng kahit isa pa. Isa pa”, ang naging saad nga ni Iya.

Ayon nga sa host ng programang ‘Mars Pa More’ akala nila noon ng kanyang asawang si Drew ay kontento na sila sa anak nilang tatlo, lalo na nga ng ang dalawa nilang anak na lalaki ay magkaroon na ng kapatid na babae. Ngunit kalaunan nga ay napagtanto nilang mag-asawa na tila mas nais pa nila ng malaking pamilya, kaya naman napagkasunduan nila na magdagdag pa ng isa.

Dagdag pa nga ni Iya, tila lahat ng nangyayari sa kanilang buhay ngayon ay nakatadhana na sapagkat kamakailan nga lamang ng mag-ground breaking ceremony sila para sa bagong bahay nila na itatayo sa Rizal at ngayon nga ay inaasahan na nila ang magiging karagdagan ng miyembro ng kanilang pamilya kung kaya naman mas magiging fit na nga sila a kanilang magiging bagong tahanan.



Iya Villania At Drew Arellano Mayroon Ng Baby Number 4 Ngayong Taong 2022
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments