Batid natin na ang isang babae kapag nagbubuntis at nagkaroon na ng anak ay may ilang parte sa kanyang pangangatawan ang nagkakaroon ng pagbabago. May ibang babae na tumataas ang timbang, at hindi na nga nagagawa pang ibalik sa dating pangangatawan noong sila ay wala pang mga anak. Kung kaya naman tunay na nakakahanga ang mga babaeng kahit may mga anak na ay nagagawa pa ring ma-maintain ang magandang hubog ng pangangatawan na tila nga hindi dumaan sa pagbubuntis at pagkakaroon ng anak.
Isa sa mga hinangaan ng marami ngayon lalo na ng mga mommy, ay ang celebrity mom-actress-dancer na si Regine Tolentino. Sa kabila kasi ng edad na 45 ni Regine at pagkakaroon na ng tatlong mga anak ay napanatili nito ang pagkakaroon ng fit at magandang hubog ng pangangatawan.
Madalas na magbahagi ng kanyang mga ‘daring photo’ si Regine sa kanyang socmed account. At noon ngang isang taon, kahit na kapapanganak lamang sa bunsong anak niya, ay marami ang humanga sa kanya dahil sa mabilis niyang naibalik ang kanyang napakaganda at seksing body figure.
Si Regine Totentino ay dating kasal sa aktor na si Lander Vera Perez. Nagkakilala sila noon sa set ng ‘Flames’ isang teen drama anthology na ipinalabas noong 1996-2002 ng ABS-CBN. Nauwi pa rin ang kanilang pagsasama sa hiwalayan sa kabila ng ilang beses nilang sinubukan na isalba ito dahil nga sila ay nabiyayaan din ng dalawang anak na babae na sina Azucena Reigne at Alyssandra Reigen.
Hindi naman nagtagal ay napawalang bisa na ang kasal ni Regine sa dating asawa, at muli nga siyang nakatagpo ng panibagong pag-ibig sa katauhan ng director-photographer na si Dondi Narciso. Ang pagmamahalan nilang dalawa ay nabiyayaan naman ng isang anak na babae, at ito nga ay Rosie Reignee na isinilang noong buwan ng Marso taong 2020.
Ayon nga kay Regine, halos dalawang dekada din niyang hindi naranasan ang magbuntis at manganak. At sa kanyang edad ay hindi niya akalain na mabubuntis pa siya, kaya naman tinuturing niyang isang miracle baby ang kanyang bunsong anak.
Nang makapanayam si Regine sa programang ‘Mars Pa More’ ng GMA-7 ay ikinuwento niya ang mga karanasan niya sa muling pagkakaroon ng babay matapos ang halos dalawang dekada. Inilarawan niya na ‘fun and fulfilling’ ang pagiging isang ina niya ng isilang niya si Baby Rosie.
‘Talagang na-e-enjoy ko ang pagiging m𝔬mmy ko ulit. After like 2 decades of not having a k𝔦d, ito na naman ako,’ sabi ni Regine. Dagdag pa niya, mas naging madali rin ang pag-aalaga niya ngayon sa bunsong anak sa tulong na rin ng mga teknolohiya sa panahon ngayon.
‘It’s easier now, actually, with all the information, it’s so easy, in a click of a finger. Tsaka, actually, lahat naman tayo merong m𝔬ther’s instincts, so babalik naman yan pero siyempre at first, naninibago ako ulit, kung paano ulit. The bre𝔞stf𝔢ed ulit, yung ganun. It’s a challenge but of course, it’s fun and fulfilling,’ ani Regine.
Kahit May Tatlo Ng Anak ‘Certified Hot Mama’ Pa Rin Ang Actress-Dancer Na Si Regine Tolentino
Source: Viral Pinas News





0 Comments