Kung ang pag-uusapan ay husay pagdating sa komedya sa mundo ng showbiz ay isa nga sa mga nangunguna riyan ay si Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan o mas nakilala nating lahat bilang si Aiai delas Alas. Dahil nga sa kanyang angking husay sa pagpapatawa at pagiging natural nito sa kanyang personalidad, ay nakuha nga niya ang titulo bilang ‘Comedy Queen’ ng Philippine Showbiz Industry.
Hindi lamang naman ang pagiging isang mahusay na komedyante ni AiAi ang hinahangaan sa kanya, sapagkat maliban dito ay kahanga-hanga rin ang kanyang pagiging isang responsable at mapagmahal na ina sa kanyang mga anak.
Si Aiai ay nagkaroon ng tatlong anak sa mga lalaking kanyang minahal at naging parte ng kanyang buhay. Sa dating asawa niyang si Miguel Vera ay dalawa ang kanyang naging anak at isa naman ang kanyang naging anak kay Hernan Jeng Jeng Viola.
Ang unica hija ni Aiai na si Sophia delas Alas ay anak ng komedyante sa dati niyang asawang si Miguel Vera. At bilang isang ina, ay proud na proud naman talaga si Aiai sa kanyang anak, lalo na ngayon na ito ay gumagawa na rin ng sarili nitong pangalan sa industriya ng showbiz.
Hind na rin naman magiging kataka-taka na magkaroon rin ng husay sa pag-arte si Sophia, dahil malamang ay namana niya ang talento sa pag-arte ng kanyang inang si Aiai.
Kung pagmamasdan ang personalidad, kagandahan at talentong mayroon si Sophia ay talaga namang taglay niya ang ganda at talento na hanap ng publiko sa mga artista. Maliban pa nga sa kanyang kagandahan, ay hindi rin magpapahuli si Sophia pagdating sa pagkakaroon ng magandang hubog ng pangangatawan.
Pagdating naman sa social media ay aktibo rin ang unica hija ni Aiai, sa katunayan ay madalas ngang magbahagi si Sophia sa socmed niya ng kanyang mga nagagandahang larawan.
Proud naman talaga sa kanyang anak si Aiai, hindi lang dahil sa taglay nitong ganda at talento, ngunit dahil din sa kahanga-hanga nitong katalinuhan, matapos ngang makapagtapos ng anak niyang si Sophia ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science Major in Early Childhood Education sa Dela Salle University.
Tulad ng kanyang inang si Aiai, ay matayog rin ang mga pangarap ni Sophia, at isa na nga rito ang mas lalo pang tumingkad ang kanyang pangalan sa industriya ng showbiz.
Sa ngayon ay napapanood na natin si Sophia sa ilang mga GMA shows kagaya na lamang ng Sunday Pinasaya at ilang mga pelikula tulad ng ‘Feelenial’ at ‘Sons of Nanay Sabel.’
Ayon pa sa mga lumabas na ulat, sa kasalukuyan ay engaged na rin si Sophia delas Alas sa kanyang boyfriend na si Vince Bautista, at sa kani-kanila ngang social media account ay masisilayan kung gaano kasaya at katamis ang kanilang pagmamahalan base na rin sa kanilang mga uploaded sweet photo.
Kilalanin Ang Napakagandang Anak Ni Aiai Delas Alas Na Si Sophia Delas Alas
Source: Viral Pinas News







0 Comments