Ang ‘gwapo’ ito nga ang napakaraming komento ng mga netizens ng sa unang pagkakataon matapos ngang literal ng isapubliko ni Roxanne Barcelo ang hitsura ng kanyang foreign husband.
Matatandaan na nasorpresa ang lahat ng ibahagi ng aktres na si Roxanne Barcelo sa kanyang social media account na siya ay nagpakasal na, ito nga ay matapos niyang mag-post ng mga larawan na kuha sa kanyang naging pagpapakasal.
Nang mga panahon na ‘yon ay naging agaw-pansin naman ang hindi pagpapakita ni Roxanne ng hitsura ng kanyang napangasawa, dahil kung hindi man nakatalikod ito sa larawan na ibinahagi ng aktres, ay naka-blurd naman ang mukha nito sa larawan.
Sa post naman noon ng aktres, ay kanyang ibinahagi na kaya hindi niya ipinapakita ang hitsura ng asawa, ay dahil nirerespeto niya ang pagiging pribado nito, at ayon pa sa kanya, umaasa naman siya na balang-araw ay papayag na ito na ipakita niya ang mukha nito sa publiko.
May mga pagkakataon pa nga na kasama nila sa mga family photo si Papa Panda ngunit hindi pa rin nga ipinapakita ni Roxanne ang mukha nito. Minsan pa nga ay naririnig ang boses nito sa mga video post ng aktres sa kanyang Instagram stories, ngunit sadyang mailap nga ang mister nito kaya naman hindi talaga ito nagpapakita sa publiko.
Tila naman ngayon ay pinagbigyan na si Roxanne ng kanyang mister, sapagkat noon lamang nakaraang ika-22 ng Disyembre noong nakaraang taon ay ini-reveal na nga ng aktres ang hitsura ng kanyang napangasawa na ipinakilala nga niyang si ‘Jiggs’.
Nagbahagi ri Roxanne sa kanyang Instagram account ng kanilang family pictures kung saan ay masisilayan na nga rito ang napakagwapong mukha ng kanyang foreign husband.
“When I pray for happiness, the heavens blessme with true joy and love. You are worth the wait. It is my honor and privilege to be your wife, Jiggs”, saad nga ni Roxanne sa caption.
Dagdag pa niya, “I am grateful for the day you asked me to start a family with you. Thank you for your unconditional love. I love and adore you and @dababycinco with all that I am.”
Ikinatuwa naman ng mga netizens at mga tagahanga ni Roxanne sa naging face reveal ng aktres sa napakagwapong hitsura ng kanyang mister. At talaga namang marami ang namangha sa kapogian ni Papa Panda, ang asawa nga ni Roxanne.
“Ang Gwapo” Reaksyon Ng Mga Netizens Sa Hitsura Ng Asawa Ni Roxanne Barcelo
Source: Viral Pinas News






0 Comments