Sa kanyang Instagram account kamakailan nga lamang ay ipinasilip ng Pepito Manaloto actress ang napakagadang loob ng kanyang van, kung saan dahil sa napakagandang disenyo nito ay hind inga napigilan ng mga netizens at maging kapwa celebrity ni Manilyn ang mapamangha.
Ayon sa caption ni Manilyn sa kanyang IG post, bago siya muling sumabak sa taping para sa sitcom na kanyang kinabibilangan sa Kapuso network, ay kanya nga munang ipinadetailing at pina-disinfect ang exterior at interior ng sasakyan na kanyang ginagamit.
“Bago po nag-balik-taping, napa-interior and exterior detailing at napa-disinfect namin ang sasakyan
Thank you, ER8 AUTO PROJECT for the detailing and MISTTER CLEAN PH sa pag-disinfect
Salamat din, @tuned_in_style for the upgrades. Happy!
#baliktaping #SalamatPoGod”, saad nga niya.
Maliban pa sa pag-detailing ng exterior at interior ng kanyang sasakyan, ay naisipan nga rin ng versatile Kapuso star na ipa-upgrade din ang sasakyan niya.
Habang ipinapakita ang loob ng kanyang magarang sasakyan ay ibinahagi ni Manilyn na ang ER8 Auto Project ang nasa likod ng naging napakagandang resulta ng kanyang sasakyan., kung saan hindi nga lamang nito pinaaganda kundi ay dinis-infect pa nga.
Sa pagpapasilip ng Kapuso actress sa loob ng kanyang sasakyan ay talaga namang kamamanghaan ang disenyo nito sa loob, kung saan ay makikita ngang ito ay mayroong mataas na ceiling kaya naman kumportableng nakakatayo si Manilyn habang nasa loob nito.
Ang mga upuan rin ay napakakumportable kung saan maari rin niya itong maging higaan. Makikita rin na sa isang larawan ni Manilyn na may tila hanging table sa tapat ng kanyang upuan na para nga sa kanyang laptop.
Kuwento pa ni Manilyn, ito ay kanyang ginawa sa kanyang sasakyan bilang paghahanda sa mga darating niyang tapings, para nga mas maging kumportable siya habang nasa byahe, lalo na’t napaka-at home na nga ng loob ng kanyang upgraded customized van.
Malaki naman ang naging pasasalamat ni Manilyn sa shop na gumawa at nagpaganda pa nga lalo ng kanyang sasakyan at siyempre very thankful din siya sa Poong Maykapal dahil ito naman talaga ang nasa likod ng lahat ng magagandang nangyayari sa kanyang buhay.
Dahil sa napakagandang interior design ng loob ng upgraded van ni Manilyn, ay pat inga mga kapwa niya celebrity ay hinangaan ito, kagaya na nga lamang nina Jestoni Alarcon at Denise Barbacena.
Manilyn Reynes Nagpa-Tour Sa Loob Ng Kanyang Napakagandang Customized Van
Source: Viral Pinas News






0 Comments