Sa panahon ngayon ay napakarami na nating mga kinahuhumalingang ‘sotfware application’ lalo na sa ating mobile phones. At isa na nga sa mga pinaka-patok ngayon na application, ay ang TikTok, kung saan ay talaga namang marami sa ating mga kababayan ang nalilibang sa pag-gamit nito.
Iba’t iba nga ang mga maaring gawin sa TikTok apps, kagaya na lamang ng mga challenge na nauuso ngayon, isa na nga sa mga trending challenge ngayon sa TikTok ay ang tinatawag na #Dropchallenge.
Hindi lamang mga ordinaryong tao ang nahu-hook sa pag-gamit ng TikTok apps dahil maging mga sikat at popular na celebrity ay talaga namang nahuhumaling dito. At ang iba nga sa kanila ay nakikisabay at game na game na sinusubukan ang mga nagte-trend na challenge sa nasabing application.
Kagaya na lamang nito ay ang aktres na si Valeen Montenegro at ang ilang mga kapwa niya Kapuso stars na nito lamang nakaraan ay game na game na ibinahagi ang kanilang mga paandar para sa pinakabagong trend ngayon sa TikTok at ito nga ay ang #Dropchallenge.
Mapapanood ang iba’t ibang entry ng Bubble Gang Babe na si Valeen at ng iba pang Kapuso celebrity para sa pinakabagong online trend sa isang video na ibinahagi mismo ni Valeen.
Talaga namang good vibes kaagad ang naging hatid ni Valeen sa unang bahagi pa lamang ng nasabing video, ito nga ay matapos niyang simula ang challenge sa pamamagitan ng kanyang pag-split habang kasama niya ang iba pang Bubble Gang girls na sina Arny Ross, Faye Lorenzo at Ashley Rivera.
Maliban pa dito, sinubukan rin ngang gawin ni Valeen ang nasabing challenge habang siya ay nagwo-workout. Mayroon din siyang isa pang entry, kung saan napa-drop challenge pa rin siya sa kabila nga ng siya ay nakasuot ng gown.
Sa video rin na ito ni Valeen ay mapapanood din na todo awra ang mga former To Have and To Hold actresses, na sina Carla Abellana, Max Collins at Ina Fileo, na game na game rin ngang nakipagsabayan sa #Dropchallenge na ito ng TikTok.
Samantala, ayon naman sa ilang mga ulat, mula ng ibahagi nga ni Valeen ang naturang video sa kanyang TikTok account ay humakot na nga ito ng mahigit 712,000 views.
Isang Filipina actress, comedienne at modelo si Valeen Montenegro. Siya ay ipinanganak noong ika-10 ng Hunyo taong 1990. Kasalukuyan siyang napapanood sa ilang mga palabas sa Kapuso network, kabilang na nga ang comedy show na Bubble Gang.
Ilang Kapuso Star Kabilang Na Si Valeen Montenegro na Ginawa Ang Pinakabagong TikTok Trend Ngayon
Source: Viral Pinas News






0 Comments