Noong nakaraang taon ay isiniwalat ng mag-asawa ng sina Jennylyn Mercado at Dennnis Trillo ang nalalapit na nga nila na pagkakaroon ng anak, kung saan ito nga ang kanilang magiging panganay na anak. Buwan ng Oktubre nga ng isapubliko ng mag-asawa ang magandang balita na ito, kasabay nito ay ang pagbabahagi rin nila ng naging plano nilang ‘surrogacy’ sa pag-aakala na hindi kakayanin ng kalusugan ng Kapuso actress ang magbuntis sa natural na paraan.
Ayon nga kana Jennylyn at Dennis ay labis nga nilang ikinagulat at ikinatuwa rin ang naging pagbubuntis ng Kapuso actress sa natural na paraan. At kamakailan nga lamang ay ibinunyag na nga ng mag-asawa sa publiko kung ano ang ‘gender’ ng kanilang magiging first baby.
Ibinahagi ng Kapuso stars sa kanilang YouTube channel sa pamamagitan ng isang video ang naganap na gender reveal, kung saan ito ay isang uri ng pakulo na nauuso ngayon sa mag-asawang ninanais na malaman sa kakaibang paraan ang kasarian ng kanilang magiging anak.
Sa pamamagitan nga ng ‘gender reveal cake’ ay isiniwalat nina Jennylyn at Dennis ang gender ng kanilang magiging panganay na anak. Habang hinihiwa nga ng mag-asawa ang nasabing cake ay hindi magkamayaw ang kanilang mga bisita sa excitement na makita na kung ano nga bang kulay ang chiffon ng cake, kapag kulay ‘blue’ kasi ay nangangahulugan na baby boy at kapag ‘pink’ naman ay baby girl.
At dahil kulay pink na chiffon cake ang lumabas sa naging paghiwa ng mag-asawang Jennylyn at Dennis sa cake, ibig ngang sabihin ay ‘baby girl’ ang magiging unang anak nila. Labis nga itong ikinatuwa ng dalawa, maging ng kanilang mga kapamilya at tagahanga.
Samantala, ilang buwan nga lamang ang nakalipas ay nagbahagi ang Kapuso actress ng kanyang kalagayan habang ipinagbubuntis ang ‘mini me’ niya. Makikita nga sa mga larawan na ibinahagi ni Jennylyn sa kanyang social media na malaki na nga ang kanyang baby bump. Ngunit sa kabila nga ng pagbubuntis na ito ni Jen, ay kitang-kita naman na lutang na lutang pa rin ang kanyang taglay na kagandahan, kaya naman talaga namang maraming mga kababaihan ang tunay na hinahangaan siya.
Makikita rin sa ilang mga larawan kung gaano kaligaya ang mag-asawang Jennylyn at Dennis ngayon na sila ay malapit ng magkaroon ng anak, at bakas rin ang excitement sa kanilang mga mukha, lalo na’t ilang buwan na lamang nga ang kanilang bibilangin ay isisilang na nga ng Kapuso actress ang kanilang anak at masisilayan na nila ang mala-anghel nitong mukha.
Soon-To-Be-Mom Na Si Jennylyn Mercado Lutang Na Lutang Pa Rin Kagandahan Kahit Lumalaki Tiyan
Source: Viral Pinas News






0 Comments