Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Tingnan Ang Pagdiriwang Ng Ika-20th Birthday Ng Anak Ni Karen Davila

Isang masayang pagdiriwang ang idinaos ng pamilya ng broadcaster na si Karen Davila sa pag-celebrate nila ng ika-20 taong gulang na kaarawan ng kanyang anak na lalaki na si David. Sa social media post ni Karen ay makikita ang mga ibinahagi niyang larawan na kuha sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak, kung saan ito ay simple lamang ngunit masaya dahil magkakasama silang pamilya.

Kalakip ng ibinahaging larawan ni Karen ay ang kanyang nakakaantig na mensahe ng pagbati para sa kanyang anak na si David na nagdiriwang nga ng kaarawan nito. Ayon sa caption ng broadcaster, hindi niya akalain na isa ng ‘adult’ ang anak niyang si David.

“HAPPY 20 TH BIRTHDAY to our dearest DAVID… I can’t believe it – you are now an ADULT!”, ang unang mensahe ni Karen sa kanyang caption.
Dagdag pa niya, “You bring so much love, joy, gentleness, & gratitude to our home anak. You make everyone around you feel special.”

Hindi rin nakaligtaan ng broadcaster na ipagpasalamat sa Diyos ang buhay at patuloy na kalakasan ng kanyang anak. Inihayag din niya na bilang isang magulang ay excited na siya sa kung ano plano ng Diyos para sa buhay ng anak ngayong ito nga ay halos nasa tamang edad na para harapin ang buhay.

“God has taken you this far, shaped you in ways I could’ve never imagined! You have grown to be such a kind, thoughtful and loving you man! I feel truly blessed that you are present in the moment, understand everything going on around you & are so engaged with the world! I am so excited for God’s plan for your life!’, saad pa ni Karen.

Sa kanyang mensahe rin ay nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Karen sa mga taong naging katuwang niya sa pagpapalaki sa kanyang anak, at ito nga ay ang mga yaya ni David na nag-alaga rito.
“Thank you, Yaya Lyn & Amy for genuinely loving David. Nakikita ko kayong concerned at umiiyak when David seizures. Dama ko ang pagmamahal niyo salamat!”
Sa huling bahagi ng mensahe ni Karen ay kanya namang ipinagdiinan ang labis niyang pagmamahal nila sa kanyang anak.

“WE LOVE YOU ANAK!”, saad niya.
Bumuhos rin ang maraming pagbati para sa kaarawan na ito ng anak ni Karen na si David, ang ibang mga pagbati ay mula sa mga katrabaho niya sa industriya ng paghahayag, at ang iba naman ay mula sa mga kaibigan nila at mga netizens.

Kilala ng publiko si Karen Davila bilang isang Filipino journalist, radio broadcaster, newsreader, television presenter at YouTube content creator. At dahil sa husay niya pagdating sa larangan ng paghahayag ng impormasyon at balita ay napakarami na nga niyang mga parangal na natanggap.



Tingnan Ang Pagdiriwang Ng Ika-20th Birthday Ng Anak Ni Karen Davila
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments