Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Mag-asawang Sarah Geronimo At Matteo Guidicelli Enjoy Sa Kanilang Horseback Riding Sa Rizal

Ngayong buwan ng Pebrero ay magdiriwang na ng kanilang ika-2 taong anibersaryo bilang mag-asawa ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Matatandaan na ang mag-asawa ay ikinasal noong ika-20 ng Pebrero taong 2020, sa isang secret civil wedding ceremony na ginanap sa Shrangri-La at The Fort Hotel.

Magmula nga ng ikasal ang dalawa, ay mas lalo pa nilang naipakita sa publiko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. At tila nga sa pagdaan ng taon na sila ay magkasama na ay mas lalo ine-enjoy ng mag-asawa ang presenya ng isa’t isa.

Nito nga lamang nakaraan ay nagkaroon na naman ng isang masayang bonding ang mag-asawang Sarah at Matteo, kung saan sa Instagram nga ng aktor ay ibinida niya ang naging horseback riding nila ng misis niya, na kilala at sikat nga sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na mang-aawit.
‘Walter the horse [horse emoji], spent the night with us”, ang naging saad ni Matteo sa caption ng kanyang IG post.

Sa comment section naman ay mababasa ang mensahe ni Karen Davila sa aktor, at dito nga ay naitanong niya kung saan nga ang lugar na ito na pinag-horseback riding ni Matteo kasama ang misis itong si Sarah G.

Makikita naman na binigyang kasagutan ni Matteo ang katanungan ng broadcaster, at ayon nga ay kuha ang naturang larawan sa Casa Balario, sa Tanay Rizal.

Napag-alaman nga na ang mag-asawang Sarah at Matteo ay kasalukuyang nagbabakasyon kasama ang pamilya ng aktor sa Tanay Rizal, at base naman sa mga ibinahaging larawan ng mag-asawa ay kita nga kung gaano nila ine-enjoy ang pananatili sa nasabing lugar na kanilang pinagbakasyunan.

Dahil sa parehong hinahangaan, sikat at kilala sa mundo ng showbiz ang mag-asawang Sarah at Matteo, ay agad ngang inulan ng komento ang mga post nila. Marami nga sa mga netizens ang nagpa-abot ng kanilang kasiyahan dahil sa nakikita nilang maganda, masaya at napakakulay ng pagsasama ng mag-asawa.

“More adventure together. One of my fave, Mr.& Mrs. G!”
“Love seeing you both together. Makes me want to believe that loving again is possible. Praying for the God-given one.”

“Here’s to more adventures, AshMatt!!!” “Nakakahappy talaga kayo!!!”
Si Sarah Geronimo ay isa sa mga highest paid Filipina singer-actress, at kanyang karera sa showbiz ay tunay namang matagumpay dahil sa taglay niyang husay at talento sa pag-awit at pag-arte. Samantala, ang mister niyang si Matteo Guidicelli ay isa namang Cebuano actor, model, singer at former kart racer.



Mag-asawang Sarah Geronimo At Matteo Guidicelli Enjoy Sa Kanilang Horseback Riding Sa Rizal
Source: Viral Pinas News

Post a Comment

0 Comments